Advertisers

Advertisers

EDSA rehab, ‘di dapat maging pahirap sa publiko – TRABAHO Partylist

0 13

Advertisers

“‘Di dapat maging pahirap sa publiko”, ito ang tugon ni Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO tungkol sa usapin ng EDSA rehabilitation project na nakatakdang magsimula sa Marso 24.

Bilang tugon sa inaasahang araw-araw na abala at pahirap sa milyun-milyong manggagawang Pilipino, naghain ng mungkahi ang TRABAHO Partylist (TRABAHO) na makakatulong sa mga komyuter, lalo na sa mga manggagawa.



Hinihimok ng TRABAHO ang pamahalaan at mga pribadong kumpanya na magpatupad ng mga alternatibong iskedyul ng trabaho at magbigay ng mga praktikal na solusyon upang mabawasan ang negatibong epekto nito sa mga manggagawa.

“Habang patuloy tayong humaharap sa mga hamon ng urban congestion, nararapat lamang na pagtuunan ng mga kumpanya ang pangmatagalang solusyon tulad ng remote work at mga angkop na flexible work arrangements,” ani Espiritu.

Sa mga sektor naman na hindi feasible ang remote work, maaaring magdulot ng kaginhawahan ang pagbabago ng oras ng opisina o shift.

Nanawagan din si Atty. Espiritu para sa mas mataas na transportation allowances at subsidies upang pansamantalang makatulong sa mga manggagawa na makahanap ng alternatibong ruta, bagama’t maaring maging mahal.

Para naman sa mas sustainable at cost-effective na solusyon, isinusulong din ng TRABAHO ang pagpapalaganap ng carpooling at mga shared transportation systems.



Hinihikayat din nila ang mga lokal na pamahalaan na magbigay ng suporta sa mga inisyatibong ito sa pamamagitan ng pagtalaga ng mga carpool lanes o pagbibigay ng mga insentibo sa mga kalahok sa carpooling.

Hiniling ng TRABAHO Partylist sa pamahalaan, mga employer, at iba pang stakeholders na magtulungan sa pagbuo ng mga polisiya na pabor sa kapakanan ng mga manggagawang Pilipino habang tinatapos ang EDSA rehabilitation project.