Advertisers
IBINASURA ng Regional Trial Court Branch 121 ng Caloocan City ang inihain na kasong rape laban kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico Roque at sa dalawang kasama nito matapos mapatunayang walang basehan at walang katotohanan ang mga bintang laban sa alkalde.
Sa inilabas na desisyon ni Judge Rowena Violago Alejandria ng RTC Branch 121 noong February 25, 2025, inilahad dito na ang pangalan ng nag-akusa sa alkalde – isang Mikaela Buico Mariano – ay hindi tunay na pangalan at imbento lamang din ang address ng tirahan na ibinigay nito.
Ayon pa sa korte, maging ang medico-legal na isinumite nito ay napatunayang hindi totoo, gayun din ang blotter nito dahil wala ito sa mga dokumento ng Women and Children Protection Desk ng Caloocan City Police Station.
Sinabi naman ng kampo ni Roque na ang kasong kriminal na inihain laban sa alkalde ay isa lamang direktang paninira sa kanyang pagkatao at public image.
Dagdag pa nila, ang kasong ito ay nagbigay ng kahihiyan kay Roque hindi lamang may kaugnayan sa pulitika kundi isang pagnanakaw na rin sa kanyang mga karapatan bilang tao dahil sa mga walang katotohanan at inimbentong akusasyon laban sa kanya.
Inilabas na raw ng International Criminal Court ang arrest warrant laban kay dating Pangulo Rody Duterte nitong Sabado, Marso 8, sa kasong ‘Crimes againt humanity’ kaugnay ng mga pagpatay sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Dalawang araw bago lumabas ang nasabing arrest warrant, si Duterte kasama ang kanyang pamilya ay lumipad patungong Hongkong para raw ikampanya sa OFWs ang kanyang mga kandidato sa pagkasenador.
Maliban sa kanyang pamilya, kasama rin ni Duterte ang mga dating opisyal ng pulisya at dating direktor ng National Intelligence Coordinating Agency na kasama sa nakasuhan ng ICC.
Sumunod din sa Hongkong si Vice President Sara Duterte, na idinawit din sa krimen matapos ibunyag ng dating PCSO manager na dating Davao City police na si Col. Royina Garma sa Davao Death Squad.
Maliban kina Duterte, kasama sa mga kinasuhan ng ICC sina dating PNP Chief ngayon ay Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ang namuno sa pagpatupad ng madugong Tokhang na ikinasawi ng naraming inosente pati mga kabataan.
Wala pang balita kung tumakas o nagtago narin si Bato.
Posible umanong dumiretso ng China ang grupo ni Duterte para doon magpaprotekta sa China govt na kanyang kaibigan.
Ang PNP ang magpapatupad ng arrest warrant sa pakikipag ugnayan ng International police.