Advertisers

Advertisers

2 Pulis todas sa drug ops sa Bulacan

0 77

Advertisers

Patay ang dalawang pulis nang pagbabarilin ng mga sa-larin nang makatunog na otoridad ang kanilang nakatransakyon sa iligal na droga sa Bocaue, Bulacan, Sabado ng tangahli.



Kinilala ang dalawang nasawi na sina PSSg Dennis Cudiamat y Gomez, at PSSg Gian George Dela Cruz y Nicolas, kapwa nakatalaga sa Anti-Drug Enforcement unit ng Bocaue Municipal Police Station.

Ayon kay Col. Satur Ediong, Chief ng Bulacan Police Provincial Office (PPO), 12:00 ng tanghali nang magsagawa ng anti-drug operation ang mga elemento ng Anti-Drug Enforcement Team ng Bocaue Police Station sa Brgy. Sito Tagatoa, NIA Road, Brgy. Tambubong, Bocaue, Bulacan.

Nabatid na agad na pinaputukan ng mga salarin ang mga operatiba kung saan tinamaan si Dela Cruz sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Gumanti naman ng putok si Cudiamat nguni’t binaril ito ng mga suspek na tinamaan sa ulo na ikinasawi nito.

Bago tumakas ang mga salarin, tinangay ang service firearms ni dela Cruz na patungo sa Pandi. Bulacan.

Dinala si dela Cruz sa ospital nguni’t binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa katawan.

Patuloy ang isinagawang imbestigayon at follow up operation ang mga otoridad para sa agarang pagkakadakip sa mga tumakas na mga salarin. (Mark Obleada)