Advertisers
Ni Edwin Moreno
Dapat segurong imbestigahan ng PNP ang pakikisawsaw ng Montalban PNP kasama ang 20 katao sa pangunguna ng Business Permit and Licensing Office o (BPLO) sa pag-padluck sa R&R Wet and Dry Market sa Greenview, Brgy. San Isidro Montalban Rizal.
Sa pangunguna ni BPLO Chief Jeso Amo Mallari, Ralph Lavren Reyes, Girlie Calar, Giovanni Perez at iba pa kasama ang ilang tauhan ng awtoridad.
Bukod sa gate, umakyat din ang mga ito sa ikalawang palapag ng gusali kung saan nanguhanan ng kanyang opisina ni Congressman Fidel Nograles upang ipasara noong Pebrero 28.
Dito kitang-kita ang kulay POLITIKA dahil magkatunggali sa nalalapit na eleksyon sa ika-4 na distrito ng Montalban sina incumbent Mayor Ronnie Evangelista at ka kakampi nitong si dating Mayor Tom Hernandez na TATAKBONG kongresista.
Ayon sa insider ng “Kalawit”, hindi lang miminsang ginawa ng lokal na pamahalaan na pagbawalan si Cong. Nograles na gumamit ng mga covered court sa kanyang mga payout.
Lalo na sa mga Senior Citizens, mga studyante at mga nanay na nangangailangan ng pambayad sa ospital at pambili ng gamot.
Sa kabila ng walang tigil na panggigipit sa kongresista, sinabi ni Cong. Fidel Nograles, bukas ang kanyang “Puso at bukas saradong opisina para magbigay ng direktang serbisyo sa mga Montalbeñong kababayan.
Sa tarpaulin na inilagay ng BPLO sa gate ng R&R building nakasaad “This establishment is ordered close for operating without the reuqisite mayor’s permit for commercial space leasing”.
Sagot ng kongresista, walang makakapigil sa kanyang tapat na paglilingkod sa mga Montalbeño na kailangan ng kanyang serbisyo publiko.
Sa pahayag ng mga supporter’s ng kongresista sa “Kalawit News” hindi si Nograles ang pinahihirapan ng mga katunggali kundi silang mahihirap na humihingi ng saklolo tulad ng bayad ospital, matrikula, gamot para sa mga Senior Citizens.
Panawagan ng mga Montalbeño at senior citizen sa mga katungalgali ng kongresista na sina Mayor Ronnie Evangelista at kay dating Mayor Tom Hernandez na tumatakbong kongresista sa ika-4 na distrito ng Montalban gawing malinis, payapa at walang harrasment ang nalalapit na eleksyon.
Hinaing pa ng mga Montalbeño, kapag sa Munisipyo sila humingi ng tulong, mag-aantay sila sa wala puro tatawagan at kahit i-follow – up pa nila ito nauwi sa nga-nga.
Sa bulalas ng isang ginang na masama ang loob, inggit ba kayo sa ginagawa ni Cong Fidel?
Anya pa mula sa araw na ito hanggang sa botohan hindi n’ya makalimutan ang panggigipit ng kalaban sa POLITIKA ni Nograles.
Bukod umano sa gamot ng mga Senior Citizens l, mga bata at mag-aaral ay suportado ng kongresista at puhunan para sa mamamayan na nais magtayo ng maliit na negosyo para buhayin ang pamilya.
Sabi pa ng ilang residente, maging ang DOLE-TUPAD payout dati ng kongresista sa lahat ng barangay bawal gumamitin ang covered court ng Montalban.
Ganun!!!! sila ka walanghiya at inari na kanila ang covered court.
Hindi po ninyo kwarta ang ipinang-pagawa d’yan, kwarta ng taong bayan kaya wala po kayong karapatan na ipagdamot ang paggamit sa covered court.
Abangan : may karugtong.