Advertisers

Advertisers

RAPIST, ARESTADO SA VALENZUELA

0 99

Advertisers

ARESTADO ang 27-anyos na lalaki na wanted sa kaso ng statutory rape sa ikinasang manhunt operation ng pulisya sa Valenzuela City.

Ayon kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap sila ng impormasyon na gumagala sa Brgy. Ugong ang akusadong si alyas “Reynald”, na nakatala bilang Top 6 Most Wanted Person sa Northern Police District (NPD).

Kasama ang pinagsamang mga tauhan mula sa Sub-Stations 2, 3, 4, at 9, ikinasa ng mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ang joint manhunt operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado alas-3:20 ng madaling araw sa Blk 7, Candido St., Brgy. Ugong.



Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape under Article 266 of the Revised Penal Code in relation to RA 7610, as amended by RA 11648 na inisyu ni Valenzuela City Presiding Judge Evangeline Santos Mendoza-Francisco, ng RTC Branch 270, na walang inirekomendang piyansa.

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Valenzuela City Police Station habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte.(Beth Samson)