Advertisers

Advertisers

Fernando at Castro, mananatiling gobernador at bise gobernador ng Bulacan

0 13

Advertisers

Sa May 12, 2025, muling magaganap ang midterm elections kung saan pipili tayo ng mga bagong lider para sa mga pambansa at lokal na posisyon particular sa lalawigan ng Bulacan ay tila kakain ng alikabok ang sinomang makakatunggali ng magka-tandem na sina Governor Daniel R. Fernando at Vice Governor Alexis A. Castro.

Saan mangsulok ng 24 bayan/siyudad sa lalawigan ng Bulacan ay luting na luting parin ang pangalan ni Fernando at Castro dahil sa kanilang angking karisma na bagamat isinantabi muna nila ang pag-aartista para pagtuunan ang pagiging public servant ay meron paring mga taong pilit silang ginigiba na lalong nagpatibay sa tambalan nila.

Kamakailan lang ay napabalitang hiwalay na di-umano ang magka-tandem kung saan ay napabalita na tatakbo na lamang na mayor sa bayan ng Guiguinto si Fernando gayundin si Castro sa bayan ng Marilao na kapwa itinanggi at pinagtatawanan lamang ng dalawa ang mga kumakalat na balita, anila lahat ng ’yan ay gawa-gawa lamang at imbento ng taong walang magawa at inggit.



Sa kabila nito, saksi ang BALYADOR at ang mga mamamayang Bulakenyo sa pagpapanatili ng kanilang samahan lalo na ang walang humpay na serbisyo publiko sa lalawigan.

Magkatuwang na bubuo ng mga proyekto at programa ang magka-tandem para sa kapakinabangan ng mga Bulakenyo, gaya ng Kapitolyo sa Barangay, Damayang Filipino (DF) at Vice Governor Action Center na inilunsad ni Vice Gov. Castro na matatagpuan sa bayan ng Santa Maria at Satellite Office sa bayan ng Marilao upang mailapit sa mga Bulakenyo na nasa liblib at masukal na lugar ang tulong at serbisyong medical at mga proyekto mula sa inisyatibo ng nasyunal na ibinababa sa Bulacan sa pamamagitan ng matiyaga na pakikipag-ugnayan at pakikiisa ng mga kasangguni nito.

Ang paghirang noon kay Vice Gov Castro bilang pangalawang Ama ng lalawigan ay hindi nasayang sapagkat sa loob lamang ng tatlong taon nitong paglilingkod sa lalawigan ay nagpamalas ito ng kanyang kahusayan pagdating sa paglilingkod maging sa pagpapatibay ng mga batas bilang isang legislator.

Bukambibig ng Bulakenyo, “Doon na tayo sa subok na sa larangan ng paglilingkod. At’ wag nang sumubok sa isang kandidato na bigla na lamang sumulpot na parang kabute, dadaanin sa pangakong maglilingkod at tutulong na sa dulo ay mananatiling pangako na napako!”

DAMAYANG FILIPINO 17-TAON NG TUMUTULONG AT NAGSE-SERBISYO



Samantala para sa kabatirang ng lahat ang DAMAYANG FILIPINO MOVEMENT INC. “DFMI” ay itinatag noong 2008 ng nooy Bokal, Vice Governor na ngayon ay Bulacan Governor Daniel R. Fernando na hanggang sa kasalukuyan ay patuloy itong nagbibigay ng serbisyo sa mga mahihirap na mamamayan sa lalawigan ng Bulacan tulad medical mission, training program, feeding program, libreng medical check up, libreng gamut, libreng nebulizer, libreng BP apparatus, libreng masahe, libreng gupit, libreng pustiso, burial, tulong pinansiyal at marami pang iba.
Mahigit labing pitong taon (17) ng walang humpay na nagseserbisyo ang DAMAYANG FILIPINO MOVEMENT INC. (DFMI) sa pangunguna ng Chairwoman Athenie “Ate Tenie” R. Bautista, division head ng medical (constituents) ng Pamahalaang Panlalawigan na kaagapay ni Gov. Fernando sa serbisyo publiko.

Ang Damayang Filipino Movement Inc. (DFMI) ay isang non-governmental organization na itinatag noon pang year 2008 na dumadamay sa paghahatid serbisyo sa mga mahihirap na mamamayan sa komunidad, at para mas mapalawak ang serbisyo, lumahok ito sa 2025 midterm election bilang Damayang Filipino (DF) Partylist #76.

Sa totoo lang, kung serbisyo-publiko ang pag-uusapan ay talo pa ng DFMI ang mga party-list na may mga opisina sa Kongreso kasi ang tagal na nitong nagseserbisyo sa mamamayan, 17 years na, at ‘yung mga partylist na iniluklok ng mga botante noong 2022 election ay hindi ramdam ng publiko ang serbisyo.

Ayon kay Fernando ang Damayang Filipino Movement Inc. ay kanyang muling inistablis, na walang planong gawing partylist, subalit sa dami umano ng mga nangangailangan ng tulong, ay nagdesisyon siyang gawing partylist ang nasabing non government organization (NGO), para maging malawak ito at magkaroon ng ‘level up’ ang serbisyo. Mismo!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com