Advertisers

Advertisers

PASASALAMAT NG TASK FORCE SA AFP

0 7

Advertisers

MAGANDA itong nabalitaan ko na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ay pinasasalamatan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa walang humpay nitong pag-ubos sa mga komunistang-terorista, dahil sa dalawa na namang matataas na ranggo ng New People’s Army (NPA), mga commander pa ang napaslang ng mga ito sa isang encounter sa Agusan del Sur.

Pinapurihan at oinagpipitaganan nitong ating kaibigan na si NTF-ELCAC Executive Director Usec. Ernesto C. Torres Jr. ang mga tropa ng 3rd Special Forces Battalion at 401st Infantry Brigade sa kanilang pagkakabeutralize sa dalawang NPA lider matapos lamang ang pagkakadale ng mga ito kay Myrna Sularte, alias Maria Malaya, secretary ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) ng NPA.

“Significant victory” nga ang pagsasalarawan ni Torres sa nagawang ito ng mga tropa ng ating pamahalaan. Dahil ang nakarating sa akin, mga mismong residente ng Sitio Kapunan, Barangay San Lorenzo, Prosperidad, Agusan del Sur, ang nag-nguso ea nga nasabing NPA lider na siyang responsable sa mga oangingikil at pananakot sa kanilang kumunidad.



Sa pagkaka-neutralize pa lamang kay Maria Malaya ay napilayan na ang NPA diyan sa probinsiya na yan. Eh, nadale pa sila Joven at Garing. Di walang kaduda-duda, lumpo na ang NPA sa probinsiyang iyan.

Kaya inulit naman ni Torres ang panawagan ng task force sa mga nalalabi pang kakaunting bilang na lamang ng mga NPA na magsisuko na lang, at sumailalim sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program (E-CLIP).

Ano ba yan ka ninyo? Ang E-CLIP ay programa lang naman ng pamahalaan na nagbibigay ng financial aid, livelihood support, housing, at educational assistance sa nga dating rebelde na magsisisuko.

Kung ganyan pala, kung ako o kayo, ay sabihin muna nating, tayo’y mga NPA, ano ang pipiliin mo? Ang mapatay sa enkwentro o’ susuko na lang para mapabilang sa ECLIP?

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">