Advertisers

Advertisers

NUCLEAR SCIENCES PANGMAYAMAN LANG KUNG WALANG NUCLEAR POWER PLANT ANG PINAS!

0 3,791

Advertisers

Bahagi nang WOMEN’S MONTH CELEBRATION ay kinilala ang mga kababaehang nag-ambag ng kanilang mga imbensiyon lalo na sa larangan ng NUCLEAR SCIENCES na malaking katulungan sa pagmamantini ng kalusugan ninuman subalit mayayaman lamang ang magbebenepisyo dahil sa mahal na konsumo kung walang sariling NUCLEAR POWER PLANT ang ating bansang PILIPINAS.

Ang pagiging kawani sa alinmang GOVERNMENT AGENCIES ay para sa pagseserbisyo sa mamamayan.., yun nga lang hanggang namamayani ang BUSINESS MONOPOLY sa pakikipagsabuwatan ng mga ELECTED GOVERNMENT OFFICIALS ay isang bangungot na lamang ito sa ninanasa ng mga mahihirap na sektor sa ating lipunan.

Isang halimbawa ay ang POWER SOURCE o ang paglikha ng kuryente upang magkaroon ng liwanag pagsapit ng gabi at mapaandar ang iba’t ibang instrumento lalong-lalo na sa mga ospital.., subalit ang mga may pera lamang ang nagbebenepisyo sa mahal na gastusin at ang mga pobreng mamamayan ay nagtitiis na lamang sa patapal-tapal ng mga halaman o kaya ay sa tulong ng mga politiko kapalit sa pagtitiis-hirap sa pagpila para sa mga requirement at pagmamakaawa ng mga nangangailangan.., na kadalasa’y isinusumbat pa ng mga POLITICIAN ang itinulong umano nila gayong pondong-bayan naman ang ginagamit at hindi galing sa sariling bulsa ng mga ito.



Dapat mabuwag ang monopolyo at maisulong ang sinserong pagseserbisyo sa mamamayan at ang isang kaganapan diyan ay ang pagpapababa sa halaga ng mga gastusin o presyo ng mga bilihin.., na ayon sa mga eksperto sa siyensiya ay malaki ang maiaambag ng nuclear sciences pero maraming tumututol sa pag-ooperate ng BATAAN NUCLEAR POWER PLANT (BNPP)

Sa pagpupunto ng PHILIPPINE NUCLEAR RESEARCH INSTITUTE (PNRI) ay malaking katulungan sa mamamayan kung gagamitin na ang BNPP na unang-una ay magiging higit na mura na lang ang konsumo o bayarin sa elektrisidad ng mga consumer kumpara ngayon na napakamahal ang binabayaran sa mga konsumo ng kuryente.., yun nga lang ay marami pa ring mga prominenteng opisyal at maging sa mga ELECTED GOVERNMENT OFFICIALS ay nagsisilbing mga balakid at tutol ang mga ito sa NUCLEAR POWER.

Nitong nagdaang Biyernes sa pagseselebra ng WOMEN’S MONTH na pinangunahan ng ALPAS PINAS sa pamumuno ni CONVENOR GAYLIE CERTEZA na dinaluhan ng PNRI MANAGEMENT sa liderato ni DIRECTOR DR. CARLO ARCILLA ay pinag-ukulan ang pagkilala sa mga kababaehang nakapag-ambag sa larangan ng NUCLEAR SCIENCE AND TECHNOLOGY.

Ilan sa mga kinikilalang kababaehan mula sa PNRI ay sina HAYDEE SOLOMON na kasalukuyang IRRADIATION SERVICES SECTION ng NUCLEAR SERVICES DIVISION-PNRI at ito ay nagawaran ng PRESIDENTIAL LINGKOD BAYAN AWARD noong 2019 sa ambag nitong NUCLEAR RESEARCH PROGRAM; si DR. VALLERIE ANN SAMSON na siyang DEPUTY DIRECTOR ng PNRI at naging SCHOLAR ng JAPANESE GOVERNMENT sa pagiging Ph. D in MATERIALS AND SCIENCE ENGINEERING sa UNIVERSITY OF TSUKUBA at sa kasalukuyan ito ay PNRI LEAD COORDINATOR FOR THE NUCLEAR FORENSICS WORKING GROUP at FOCAL PERSON para sa NUCLEAR S&T COLLABORATIONS sa pagitan ng DOST-PNRI at ng AUSTRALIAN NUCLEAR SCIENCE AND TECHNOLOGY ORGANIZATION (ANSTO); si AILEEN MENDOZA na siyang SENIOR SCIENCE RESEARCH SPECIALIST ng CHEMISTRY RESEARCH SECTION DOST-PNRI at may MARINE SCIENCE MASTER’S DEGREE mula sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES at MEDICINE DOCTORAL DEGREE mula sa KYOTO UNIVERSITY at iba pang personalidad.

Marami mang naiambag sa larangan ng likhang siyensiya ang ilan sa mga nabanggit na personalidad ay malilimita pa rin sa mga may pera ang magbebenepisyo.., na kinakailangang mabuwag ang mga tumututol sa operasyon ng BNPP para magbenepisyo ang mahihirap na sektor dahil pinagkakagastusan ito ng gobyerno sa halagang P40 milyon kada-taon para sa pagmamantini mula pa noong administrasyon ni yumaong dating PRESIDENT CORAZON AQUINO.., ika nga ay dapat lang PAKINABANGAN na ngayon ang BNPP para sa kapakanan ng buong sambayanan!



—000—

HAMON SA MGA KANDIDATO NG MGA MANGGAGAWA!

HAHAMUNIN ng mga grupong manggagawa ang lahat ng CONGRESS CANDIDATES hinggil sa kanilang paninindigan sa regularisasyon ng mga manggagawa, pagwawakas ng kontraktwalisasyon, at pagtaas ng sahod.

Inihayag ito ni CUDDIH SADORRA, isa sa mga tagapagtaguyod ng WORKERS CHALLENGE sa isang BENEFIT DINNER para kay ATTY. ERNESTO “LAWIN” ARELLANO na isang LABOR LAWYER at kumakandidato bilang SENADOR sa ilalim ng PARTIDO KAMALAYANG KAYUMANGGI.

“Lahat ng kandidato sa Kongreso sa bawat distrito at ilang kandidato sa Senado na laging kasama sa nangungunang 25 sa bawat survey ng mga kilalang kumpanya ng pananaliksik ay bibigyan ng mga talatanungan mula sa mga grupong manggagawa,” dagdag ni Sadorra.

Pipili ang mga kandidato mula sa tatlong sagot: pabor, hindi pabor, o walang tugon tungkol sa isyu ng regularisasyon at pagtaas ng sahod.

Ilang araw bago ang eleksyon sa Mayo, magsasagawa ng isang press conference ang Workers Challenge committee upang ipahayag kung sino sa mga kandidatong sinuri ang sumusuporta sa patuloy na laban ng mga manggagawa para sa makatarungang sahod at seguridad sa trabaho.

“Pakiramdam ko ay malapit nang umabot sa sukdulan ang pasensya ng mamamayan matapos ang ilang dekada ng paghahari ng mga dinastiyang pampulitika sa ating lipunan. Kitang-kita ang marahas na tunggalian ng mga pamilyang kaalyado ng mga tradisyunal na pulitiko. Kailangang gisingin natin ang masa, lalo na ang mga patuloy na sumasamba sa mga dinastiyang pampulitika,” pagpupunto ni ARELLANO.

Bilang tugon sa panawagang palawakin ang kampanya ng Workers Challenge, nagpahayag ng pakikiisa ang pamunuan ng KATIPUNAN NG SAMAHAN NG MGA MANGGAGAWA (KASAMA) na isang pederasyon ng walong unyon ng manggagawa.

Dinaluhan ng mahigit 200 panauhin at kinatawan mula sa iba’t ibang organisasyon, mga unyon ng manggagawa, maralitang lungsod, at mga grupong kabataan ang “PISO” benefit event, na naglalayong isulong ang isang makatarungang lipunan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com
para sa inyo pong mga panig.