Advertisers

Advertisers

KAYA NG KOMISYON NG HALALAN

0 2,273

Advertisers

Hindi makitaan ng tamang tindig ang mga ibig magserbisyo sa bayan sa kasalukuyang panahon higit ang tumatakbo sa lokal na pwesto. Hindi napapanahon ang pagsasabi ng layon sa pwestong hangad subalit ang pabalik balik na pagdalaw sa pamayanang tinitirhan ang karaniwang gawain ng mga nag-aambisyon na humihikayat sa mga naninirahan higit sa mga botante na ibig maglingkod. Bitbit ang ambisyon at ang salaping naipon upang ipabatid na handang maglingkod sa mga naninirahan sa pamayanang tinitigilan. Masasabing ang kaganapan sa maliit na pamayanan ang larawan ng kaganapan sa malaking lipunan. Ang masakit, hindi pa panahon ng pagsasabi na iboto subalit bangit ang nagawa, gagawin at ang pamimigay ng kung anong bagay ng ‘di malimot ang ngalang ng nag-aabot. Karagdagan, kasama ang ilang lider pamayanan at mga kasalukuyan at dating halal ng bayan na muling nagpapakita sa mga manghahalal sa pamayanang tinitirahan.

Sa pagbabalik tanaw sa mga karanasan, minsan nasabi ng magulang na nagsisimula ang pang-aakit sa mga manghahalal sa oras na napagwagian ang pwestong asam. Sa takbo ng panahon, nasilayan ang bangit na inusal ng magulang at labas pasok ang mga halal ng bayan sa pamayanang tinitigilan. Hindi natigil ang pagbisita sa pamayanan ng mga halal ng bayan simula ng maluklok sa pwestong ibig na nagpapasalamat at patuloy na nangangako na tutuparin ang mga pangakong bangit. Na sa totoo lang, walang nakitang proyektong natapos higit ang pagpapatayo ng mga imprastraktura na poste lang ang itinirik. Habang tuloy tuloy ang pagsakay sa mga programa ng pambansang pamahalaan higit ang pag-aabot ng mga ayudang na inaakong inisyatibo ang programang o salaping ipinamamahagi.

Sa pag-uusisa, tunay na pakinabang lang ang habol ng mga nag-aambisyon sa pwesto dahil hindi maabutan ng kung anong bitbit kung batid na hindi manghahalal ang lumalapit. Nariyan na kinuha ang ngalan ng lumalapit at sa pagkakabatid na ‘di botante ang isantabi’y nagaganap at walang pakinabang sa bitbit na dala. Tunay na ‘di serbisyo ang layon sa dahilang kailangan na isa manghahalal bago ang pakinabang sa grasyang bitbit. Walang malalim na pabatid na kung sino, may edad o SC ang mahalaga’y maisulat ang ngalan sa oras ng halalan. Sa namasdan, may mga SC na umuwing luhaan dahil hindi nakatangap ng ayuda mula sa nag-aambisyon, rason, hindi nakatala bilang botante ang matandang lumapit para sa ayuda. Ang nakakalungkot, ‘di nagawang akayin ang matanda palabas ng bulwagan. Ang katotohanan ng kaganapan sa galawan sa pamayanan ng mga politiko, ang boto at ‘di ang serbisyo.



Sa pakikinig sa mga talumpati ng mga tauhan ng mga politiko, naulinigan na pinag-oorganisa ang mga nakatalang botante bilang grupo ng walong tao at aabutan ng kaukulang halaga higit kung batid saan ang pagkiling. Maselan ang pag-oorganisa dahil o tila pyramid ang dating na pinalalaki ang bilang ng base sa pamayanang tinitigilan. Sa pagbubuo, nariyan ang mga tauhan ng politiko na nakabase o nakatira sa pamayanan na magpapatunay ng pagiging lehitimong taga lugar at mga bobotante ng pamayanan. Sa oras na napatunayan ng pagiging lehitimong bobotante, pasusumpain bilang tagasunod ng politiko at aabutan ang kasapian ng halagang ‘di na babangitin.

Hindi batid ang kaayusang legal ng pagpapa-buklod ng mga bobotante ngunit tila masasabing may sala ang pagpapa-sumpa ng pagsasaad bilang tagasunod ng politiko. At sakaling walang sala sa una at pangalawa, legal bang masasabi na ang abutan ng halaga ang naitatag na grupo bilang tagasunod ng politiko at walang paglabag sa batas ng halalan. O’ sadyang ginawa dahil sa ‘di panahon ng legal na pagsasaad ng layon sa halalan gayung nakasulat na sa kaliwa’t kanan ng lansangan ang ngalan ng politikong muling nagpapahalal at ng politikong ibig makabalik?

Wala sa panahon ng pang-aakit ng manghahalal sa lokal na antas subalit kaliwa’t kanan na makikita sa kakalsadahan sa buong bansa ang mga pagpapakilala ng mga ambisyoso sa kani-kanilang lugar. Hindi batid kung tunay na walang magawa o sadyang ayaw galawan ng Komisyon ng Halalan ang malinaw na paglabag ng mga politikong lantaran ang pagsasaad ng layon. Hindi makita ang kamay ng Komisyon sa bagay na dapat na ginagawa sa mga tauhan at sa kapulisan o sundalo na nasa ilalim ng kanilang hurisdiksyon sa kasalukuyang panahon. Masakit na makita ang lantarang paglabag sa batas halalan o sadyang galawang teknikalidad ang ipina-iiral ng masabing pantay at ayon sa batas ang pagpapatupad ng batas sa halalan.

Sa panahon na ‘di pinapayagan ang pangangampanya higit sa lokal na posisyong pinag-aagawan, ang pag-aayos ng tuntunin sa halalan ang kailangang itakda at ipatupad ayon sa titik. Malinaw ang mga paglabag sa halalan na ginagamit ang teknikalidad sa batas upang makagawa ng bagay na makakaungos sa mga katunggali sa halalan. Hindi matanggap na ipinapasa ng Komisyon ng Halalan ang ilang bagay sa mga lokal na pamahalaan sa pagpalinis ng paligid na dinumihan ng mga gamit pagpapakilala ng maraming politiko. Hinahayaan na ang mga lokal na pamahalaan higit ang may mga ordinansa na bawal ang paglalagay ng mga bagay sa paligid na ‘di batid ng LGU o sadyang ‘di ginagalawan dahil kasama sa alyansa o partido. Gumalaw naman kayo Garci ng sumunod ang mga kandidato.

Sa totoo lang, kaliwa’t kanan ang paglabag ng mga kandidato sa paglalagay ng mga gamit pagpapakilala sa iba’t ibang lugar sa mga kalunsuran o sa maraming daanan ng tao. Ang ‘di paggalaw o maging ‘di pagpapatawag sa mga tumatakbong politiko ang dahilan ng tuwirang ‘di pagsuway sa batas ng halalan. Hindi lang sa araw ng halalan dapat magparamdam ang Komisyon sa halip ipakita na batid ang kaganapan sa baba. Ang paggamit sa mga programa ng pamahalaang Pambansa na nilalako ng mga politikong lokal ang dapat galawan ng Komisyon at kung kailangan na ipabatid sa pamahalaang pambansa, ipaalam. Masakit sa mata at sa damdamin na makita ang walang kamay ang Komisyon sa Halalan dahil sa teknikalidad. O’ tila ayaw masabit ng Komisyon sa paglabag na lantarang kaganapan sa halalan. Sa totoo lang, ‘di panahon ng kampanya sa halalan subalit samu’t sari na ang paglabag ng mga ambisyosong politiko higit ang re-eleksyonista.



Sa Komisyon ng Halalan, linisin ang buong bansa sa mga nakasabit na ngalan at mukha ng mga politiko at magtakda ng mga dapat paglagyan ng gamit sa paglalahad ng ambisyon sa halalan. Ipabatid sa mga politiko ang kaalaman sa kaganapan sa baba ng lipunan at muli linisin, alisin ang lahat ng materyal na bitbit ang ngalan ng mga politikong tumatakbo bago magsimula ang lakad ng kampanya sa lokal na antas ng halalan. Huwag hayaan ang nagaganap sa baba maging ‘di panahon ng kampanyahan. Naniniwalang may kakayanan ang Komisyon.

Maraming Salamat po!!!!!