Advertisers

Advertisers

Malakanyang pinag-aaralan kung dapat na rin ipagbawal ang PIGO

0 5

Advertisers

PINAG-AARALAN na ngayon ng Malakanyang ang cost-benefits analysis ng Philippine Inland Gaming Operators (PIGOs).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Palace Press Officer at PCO Usec. Claire Castro na sa ngayon, kung ikukumpara sa POGO ay hindi nagiging dahilan ng krimen ang PIGO.

Karamihan rin anya sa mga nagtatrabaho dito ay mga Pilipino, hindi kagaya sa POGO na mayorya ay mga dayuhan.



Binanggit din ni Castro ang pakinabang ng gobyerno sa marketing ng PIGO at binabayarang buwis.

Gayunpaman, mainam anya kung mabibigyan ang Malakanyang ng datos o statistics na maaaring maisama sa pag-aaral kung kinakailangang ipagbawal rin ang PIGO sa bansa.

Naniniwala ang opisyal hindi mag-aatubili ang Pangulo na mag-utos ng total ban kung makikitang nakasasama ang PIGO sa pamumuhay ng mga Pilipino.