Advertisers
IPINAG-UTOS na ni Bureau of Immigration (BI) Commissioner Joel Anthony Viado ang pagsibak sa ilang tauhan ng ahensiya na sangkot sa pagtakas ng isang high-profile South Korean fugitive sa Quezon City Prosecutor’s Office nitong Marso 4, 2025.
Ayon kay Viado, kinasuhan na sa Department of Justice (DOJ) ang naturang immigration personnel kasunod ng mga natuklasang bagong ebidensiya, gaya ng CCTV footage at witness statements.
Bagaman sapat na, aniya, ang mga ebidensiyang kanilang nakalap para gumulong ang kaso, tiniyak ng BI chief na parurusahan parin ang lahat ng mapatutunayang may kinalaman sa insidente.
“This is just the beginning. The days of corruption, illicit deals, and under-the-table transactions in the Bureau are numbered. Walang sasantuhin—everyone involved will face the consequences,” pahayag ni Viado.(Jocelyn Domenden)