Advertisers
SINABI ng nahuling holdaper sa Davao City na ginawa nila ang krimen para sirain daw ang mga Duterte.
Ayon sa isa sa mga nahuling holdaper na nanloob sa Hannah’s Pawnshop sa Illustre St., Davao City noong Pebrero 26, motibo nilang guluhin ang lungsod at sirain ang mga Duterte.
Sa panayam ng media kay Johnny Dehito Bulawan, ibinunyag niyang nagdalawang-sip ito nang malamang Davao City ang kanilang target ngunit napilitang sumama dahil narin sa kahirapan.
Sinabi niyang plano nilang sirain ang kapayapaan sa Davao City alinsunod sa utos ng kanilang lider.
Isiniwalat din niya na gumamit siya ng ilegal; na droga sa pagsagawa ng krimen.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Davao City Police Office ang holdaper na nahaharap sa patong patong na mga kaso.