Advertisers

Advertisers

Sawa nilunok buong baboy ‘di nakatakas sa bigat ng kinain, huli!

0 15

Advertisers

INAKALA ng isang nag-aalaga ng baboy sa Caraga, Davao Oriental na ninakaw ang kaniyang hayop at nag-iwan pa ng sako ang kawatan. Pero nang masdan niya ang inakalang sako, isa palang malaking sawa na malaki ang tiyan.

Sa ulat ni Kuya Kim Atienza sa GMA News “24 Oras” nitong Huwebes, sinabing inabutan ni Ferdinand Burgos ang sawa sa loob mismo ng kulungan ng nag-iisa niyang alagang baboy.

“Nagulat lang ako na ‘yung baboy, kinain na. Malungkot, sir, kasi wala na akong pakainin,” saad ni Burgos.



Dati nang may nawawalang mga alagang hayop sa lugar, na karaniwang inaatake ay mga manok ngunit nakakalusot ang sawa.

Ngunit sa pagkakataong ito na baboy ang kaniyang nilunok, sa laki ng kaniyang kinain, hindi na nagawang makaalis ng kulungan ang sawa, kaya nahuli siya.

Kaagad tumawag sa Department of Environment and Natural Resources Office sa Caraga sina Burgos para ipakuha ang sawa.

Umaasa pa si Burgos na baka masagip ang kaniyang alaga pero hindi na.

Gayunman, pinangakuan si Burgos na may darating sa kaniyang baboy, kapalit ng kaniyang alaga na kinain ng sawa.



Ayon kay Kuya Kim, reticulated python ang kumain sa alaga ni Burgos.

Nagagawa ng mga sawa na lunukin ang kanilang pagkain kahit na malaki sa pamamagitan ng elastic tissues sa pagitan ng kanilang cranium at lower jaw.