Advertisers
Sunod-sunod na malas ang inaabl t ng Dallas mula nang ipinagpalit nila si Luka Doncic, ang mukha ng kanilang prangkisa.
Una labis na tinuligsa sila sa tinatawag na most lop-sided trade of the NBA. Mismo sa mga residente ng siyudad ay grabeng negatibo ang inabot ni GM Nico Harrison. Paano mo nga naman ituturing na lamang o parents ang exchange ng isang 26 year old na top 5 superstar sa isang 32 anos na 2nd tier na star.
Kahit isinama pa si Max Christie at isang first round pick sa deal.
Kahit pa sabihing may problema ang Slovenian player sa health at conditioning ay hindi pa rin mahinto ang backlash ng kanilang decision.
Lumilitaw na ayaw lang magbayad ng max contract ng mga bagong majority owner ng koponan.
Pangalawa, na-injure agad si Davis sa unang game pa lang niya sa Mavericks. Indefinite ang status ng pagbabalik ni AD nguni’t maaari pang out of the season.
Tapos sa laban kontra sa Kinga ay si Kyrie Irving naman ang nagkapilay. Malamang hindi na pwede ngayong taon.
Ang mga sentro nilang sina Dereck Lively at Daniel Gafford ay hanggang ngayon nasa injury list pa rin.
Ngayon si Klay Thompson na lang ang inaasahang bibida sa kanilang mga laban.
Kailangan mag step up sina Spencer Dinwiddie at Christie.
Mapalad na sila makapasok sa play-in ang tingin kung ganyan lang line-up ani Tata Selo.
***
Isa sa matalik na kaibigan ni Bobby Fischer, ang Amerikanong chess legend pero mailap sa tao, ay ang Pinoy grandmaster na si Eugene Torre.
Kwento ni Torre kapag nasa USA ay nagkikita sila ni Fisher para magkwentuhan. Madalas pa nga raw ay sinusundo siya mismo ni Fisher.
Kung nasa Pinas naman si Bobby ay malimit sin silang magkasama ni Eugene. Ito raw ay kahit nasa Baguio kung saan matagal-tagal tumira ang Kano.
***
Kaarawan ngayon ni Robert Vincent Salazar Jaworski. 79 na taon na nang isinilang si Big J sa Baguio kina Theodore Vincent Jaworski, Polish-American at Iluminada Salazar.
Hindi na natin nakikita sa publiko ang dating senador at tinaguriang The Living Legend.
Ayon kay Vice-Mayor Dodot ay may rare blood disorder ang ama kaya nasa bahay lang at nagpapalakas.