Advertisers

Advertisers

ÀBANDON SHIP NA NGA BÀ?

0 54

Advertisers

Ano kaya ang tunay na nararamdaman ngayon ni Ferdinand “Bonget” Marcos Jr. makaraàng magbitiw sa tungkulin ang ika- 3 sa kanyang mga miyembro ng gabinete sa loob lamang ng isang buwan?

Bakit nga ba nagsisilayasan ang mga handpicked at trusted officials na ito ni Marcos Jr.?

Unang dahilan ay prinsipyo… at ang ikalawa ay self- respect at preservation!



Self- explanatory na po yan sa mga taong may sentido- kumon!

Yes dear readers,ano man ang sabihin ng lahat ng kritiko ng gobyernong ito,nakakalungkot na ang mga naunang tao ni Marcos Jr.na nagsipagbitiw ay yaon pang may tunay na karapatang manungkulan sa pamahalaan dahil sa kanilang angking dunong,kakayanan ,kredibilidadat dignidad.

Ika nga,mga desente at mararangal na indibidwal ito na laang magserbisyo sa bayan at sa tao ng tapat.

Marami pa ang nakatakdang sumunod sa mga yapak nina former DOTr Sec.Jaime Bautista,dating PCO chief,Sec.Cesar Chavez at ex- DICT Sec.Ivan Uy.

Lima o anim pa na mga miyembro ng gabinete ng Pangulo ang palayas na rin.



Yung iba naman ay pinuno ng mga sangay at ahensiya ng gobyerno na wala sa gabinete.
Ilan sa mga pangalang nagsulputan sa mga bulung- bulungan sa apat na sulok ng Malacanang ay sina DPWH Sec.Manuel Bonoan, Solgen Menardo Guevarra,Security Adviser Ed Año, DILG Sec. Juan Victor Remulla at Presidential Legal Counsel at dating Senate President Juan Ponce Enrile.

Mabigat at personal ang dahilan ng mga ginoong ito sa planong pagkalas sa kampo ni BBM pero gaya ng ating naturan na, prinsipyo at pagmamahal sa bayan at mamamayan ang first and foremost.na dahilan at ang pagprotekta sa kanilang dangal at pagkatao.

Kung baga sa isang papalubog na barko,nais na nga ba ng mga taong ito ang tumalon at iligtas ang kanilang mga sarili?

Hindi po yaon ang pangunahing rason ng mga ito kundi ang katotohanang nawalan na sila ng pag- asang sagipin pa ang kanilang commander in-chief sa di maiiwasang kapahamakan in the very near future.

Ang dating layon sana sa pagsama ng mga ito kay Marcos Jr.ay para tulungan at maging kaagapay ng Pangulo sa paglilingkod at pagseserbisyo sa mamamayang Pilipino.

Ngunit masakit mang isipin at tanggapin,napatunayan ng mga ito na sadyang napakatibay ng tanikalang nakapulupot sa leeg ni Bongbong Marcos Jr. na kahit pa ang sariling ate at kadugo nito na si Senadora Imee Marcos ay di kayang kalasin at tanggàlin para iligtas ang kapatid sa tiyak na kapahamakan.

Mistulang hostage ang Pangulo sa loob ng mismong Palasyo ng mga taong akala ng marami ay nagmamalasakit at nagmamahal dito ngunit may agendang maitim at mala- demonyo pala.

Ibayong hapdi ito at sakit para kay Bongbong Marcos Jr. na kung sa anong di maipaliwanag na dahilan ay di pumapalag at patuloy na nagpapagamit sa grupong ito.

Sa pagtining ng nalabutaw na tubing, doon pa lamang matutuklasan ang malaking kataksilan at pagkakanuno ng marami ng panahon.

Tama po ba Atty.Vic Rodriguez sir?

May kasunod…

Abangan!

***

PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com