Advertisers

Advertisers

MGA MANININDA NG KASIGLAHAN MARKET, DISMAYADO SA BOMBERO NG MONTALBAN!

0 36

Advertisers

DISMAYADO ang Samahang Kasiglahan Market na tinupok ng apoy ang milyong halaga ng kani-kanilang panindang damit, sapatos, plastic at iba pa sa kawalan umano ng lamang tubig ng Montalban fire truck.

Ayon sa mga manininda at pangulo ng Samahang palengke, nilamon ng apoy ang kanilang mga paninda noong Marso a-3 sa Kasiglahan, Brgy. San Jose.

Ang inaasahan umano nilang bombero ng kanilang lugar na makakatulong sa mismong lugar pa ng sunog naghahanap ng fire hydrant o mapagkikunan ng tubig.



Saka lang umano naapula ang apoy ng dumating ang fire truck ng Marikina at Commonwealth Quezon City, ngunit ubos nang nilamon ng apoy ang buong palengke.

Ayon kay Kasiglahan Market President Cristina Pacheco, hindi s’ya duda ngunit sadyang kahina-hinala umano ang estelo ng kanilang bombero.

Dagdag ni Pacheco, hindi sila mabigyan ng tamang permit dahil sa alibay ng lokal na pamahalaan na hinaharang umano ng may ari ng lupa.

Nagpasalmat naman ang mga manininda kay Congreman Fidel Nograles na nangakong tutulong na maisaayos at malagyan ng bubong ang palengke para muli silang makapaghapbuhay. (EDWIN MORENO)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">