Advertisers
Ni Beth Gelena
BONGGA ang 30th birthday celebration ni Maine Mendoza na ginanap sa Uma Nota Manila last March 3, mismong birthday ng Eat Bulaga host.
Usap-usapan ang pagdalo ng dating ka-loveteam ni Menggay na si Alden Richards.
Kasalamuha ng aktor ang mga Eat Bulaga! hosts at Sotto family.
Ang loveteam nina Maine at Alden, known as AlDub ay naging massive hit nung 2015 hanggang napabalitang nagkakamabutihan na raw sila sa tunay na buhay na siya namang pinabulaanan ni Maine
Sa photos na ibinahagi sa social media, makikitang masayang kahalubilo ng aktor ang kanyang ka-loveteam alongside Eat Bulaga hosts.
The event was attended by close friends and colleagues.
Matatandaang sumikat ang Maine-Alden tandem sa kalyeserye ng Eat Bulaga segment.
Nakapagtala sila ng history sa industriya sa Guiness World Records kaya tinawag silang AlDUb Nation.
Sila ang kauna-unahang celebrities na nakapagpuno ng Philippine Arena.
Hindi matatawaran ang kasikatan ng AlDub noon, pero nabuwag din ang kanilang tambalan nang magka-asawa na si Maine.
Ikinasal siya sa actor-politician na si Arjo Atayde.
Kusa na ring tumigil sa pag-arte si Menggay at nag-concentrate na lang sa pagho-host ng Eat Bulaga.
Sa isang panayam kay Alden, nabanggit niyang ibig niya na muli silang magkatrabaho ni Yaya Dub.
Komento tuloy ng netizen, “kaya ba um-attend si Alden sa birthday celebration ni Maine ay para magkaroon siya ng chance na makausap ng personal ang kanyang Yaya Dub sa nilulutong proyekto?”
Hindi naman malayong mangy Ari dahil isa na ring producer ang Kapuso aktor.
***
JOHN PRATS DI PINAALAM KUNG BAKIT NAOSPITAL, DINALAW NINA GERALD, SAM, MARC AT SANCHO
ISINUGOD sa hospital ang aktor-direktor na si John Prats.
Agad na bumisita sa aktor ang mga kaibigan at kasamahan sa Drama Moto Club na sina San Milby, Gerald Anderson, Marc Solis at Sancho delas Alas.
Sa Instagram post ng aktor ay shinare niya ang kuha nilang larawan ng mga kaibigan kasama ang brother niyang si Raffy at misis na si Isabel Oli.
“Salamat mga kapatid sa pag bisita. I appreciate it. Love you guys!” wika ni John.
Hindi naman pinaalam sa publiko kung bakit isinugod si Prats sa hospital.
***
INHERITANCE NI BARBIE HSU HINATI NA SA ASAWA AT 2 ANAK
HINATI na umano ang nakakalulang halaga ng assets ni Barbie Hsu sa kanyang asawa at dalawang anak.
Divided equallly ang inheritance ng namayapang Taiwanese actress.
Barbie’s assets are estimated to be at 600,000,000 yuan (Php 4.7 billion)
However, since her kids are still minors, their share will be managed by Wang Xiaofei, ang biological father ng mga bata.