Advertisers

Advertisers

Heaven bet binebeybi ni Marco

0 7

Advertisers

Ni Archie Liao

NILINAW ni Heaven Peralejo na taliwas sa mga haka-haka, maganda ang naging paghihiwalay nila ng ex na si Jemuel Pacquiao.

Katunayan, naging close raw siya sa pamilya ng Pambansang Kamao.



Sinabi rin niya na never siyang naging third party sa hiwalayan nina Kiko Estrada at ng dating dyowa nitong si Devon Seron.

Okey na rin daw sila ni Kiko dahil nagkasama pa sila sa isang serye sa isang network.

Sey pa niya, nagkaroon lang daw ng miscommunication noon kaya siya naakusahan bilang third party sa relasyon ng dalawa.

Sa muli namang pagbubukas ng PBB Celebrity collab edition, natanong naman siya tungkol sa pagiging housemate noon sa Bahay ni Kuya.

Nausisa ang aktres kung ano ang bagay na nagustuhan nito sa pagiging housemate sa nasabing reality show.



Aniya, ang kanya raw inspirasyon sa ngayon ang pinakamagandang bagay na nangyari sa kanyang buhay sa PBB.

“Ang nagustuhan ko sa loob ng Bahay was actually meeting Marco (Gallo). Naniniwala ako sa invisible string theory,” aniya.

Sey pa niya, feeling daw niya ay meant to be talaga sila ng aktor.

“Imagine, nagkita kami when we were kids, [it] did not work out. I like him, he liked me during that time pero bata pa masyado,” dagdag pa niya. “After seven years, again, nagkita kami and look… So, nakakatuwa na pumasok ako sa Bahay ni Kuya,” pahabol niya.

Nang maurirat naman ng King of Talk na si Boy Abunda kung sino sa kanila ng nobyo ang mas selosa, walang kagatul-gatol na inamin niya na siya ang mas nagje-jelling sa kanilang dalawa.

Pagdating daw naman sa kanilang exes, very open ang kanyang kasintahan.

Pero siya raw ay ayaw na pinag-uusapan ang exes ng Fil-Italian actor dahil mas bet daw niya na mabuhay lamang sa present at isiping siya lang ang babae sa buhay ng boyfie.

Sa pagsalang sa Fast Talk, sinabi rin niya na bet niya sa isang lalake iyong mature at may sariling paninindigan.

Siya rin daw iyong tipong gustong binebeybi ng kanyang partner.