Advertisers
IPINAG-UTOS ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbabawal sa presensya ng politiko at maging ang mga materyales na mayroong pagmumukha ng politiko sa tuwing mamamahagi sila ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).
Nakasaad sa panuntunan ng AKAP, na ayaw nilang abusuhin o samantalahin ng mga politiko ang nasabing pamamahagi ng ayuda.
Hindi rin aniya magiging tama gamitin ang mga tauhan ng DSWD para sa pamumulitika.
Kasama ng DSWD and Department of Labor and Employement (DOLE) at National Economic and Development Authority (NEDA) na nagsumite ng Joint Memorandum Circular 2025-01 o ang implementing rules sa AKAP program na kanilang isinumite sa Commission on Elections (COMELEC).