Advertisers
PINAHAHANAP ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kung sino ang nagdisenyo ng bumagsak na Cabagan-Sta. Maria bridge sa Isabela.
Sa ambush interview sa Isabela matapos inspeksyunin ang tulay, sinabi ng pangulo na isa sa mga dapat mapanagot ang nagdisenyo ng tulay.
Nakita kasi ng Pangulo na mali ang disensyo ng tulay dahil sa halip na kable ang gamiting suporta ay tanging bakal at kongkreto lamang ang ginamit.
Pero sa ngayon, sabi ng Pangulo, kailangang unahin na muna ang pagpapagawa sa nasirang tulay at tsaka pananagutin ang mga nasa likod ng kapalpakan nito.
Samantala, nanghihinayang din ang Pangulo dahil gagastos na naman nang malaki para magpagawa ng bagong tulay.
Ang project cost aniya ng tulay na ito ay P1.8 billion pero ginawa itong P900 million para makatipid kaya ngayon ay madodoble pa ang gastos.