Advertisers
ARESTADO ang isang aktibong pulis sa pagbebenta ng illegal na droga sa Pasay City, Miyerkules ng gabi.
Kinilala ang naaresto na si Corporal Michael Mones , 37 anyos, ng Barangay Anunas, Angeles City at nakatalaga sa Angeles Police Station.
Sa inisyal na ulat mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO), nahuli si Mones sa buy-bust operation sa isang fast food restaurant sa Blue Bay Walk, Roxas Boulevard, Pasay City.
Nakuha sa pulis ang nasa 35 gramo ng shabu na nagkakahalaga na P238,000.
Binawi rin sa pulis ang kanyang dalang service firearm, mga bala, posas at PNP ID.
Nahaharap si Mones sa mga kasong paglabag sa Sec. 5 and Sec. 11, ng Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) at BP 881 (Omnibus Election Code). Bukod dito siya ay nahaharap din sa kasong administrative.(Gaynor Bonilla/Mark Obleada)