Advertisers
NAG-AABANG at naiinip na ang taumbayan na masimulan ng Senado ang paglilitis sa impeached Vice President Sara Duterte-Carpio, sabi ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list.
Nagbigay ng reaksiyon si Acidre sa commitment ng mga grupong relihiyoso—tinatawag na Kontra ABO (Abusive Behavior and Oppression)—na kakalap sila ng isang milyong pirma kada buwan para isulong ang People’s Impeachment Movement (PIM) kasunod ng naunang pahayag ni Senate President “Chiz” Escudero na sa Hulyo 30 pa masisimulan ng Senado ang mga proseso sa paglilitis kay Sara.
“Kasi tungkulin at mandato naman ng Senado na dinggin ang anumang impeachment complaint na dumarating sa kanila at hindi ho para iwasan or lunurin ito sa technicality. Ang mas maganda siguro na simulan nalang ‘yung trial,” giit ni Acidre sa isang virtual news conference.
“All we can do at the moment is to really appeal to their (senators) sense of love for country. Siyempre ang pagmamalasakit sa bayan, ‘yun nalang po ‘yung magagawa natin at siyempre paghandaan po yung trial,” dagdag ng kongresista.
“Of course we want this done kaagad, we want the trial done forthwith. But in the end, ang deciding factor dito katulad nung pinalabas sa timeline, ang deciding factor dito kung ano maging desisyon ng Senado dito. Kaya tayo ay mananawagan na lamang sa ating mga kaibigan sa Senado na kung puwede nilang gampanan ang kanilang tungkulin kaagad-agad,” giit ni Acidre.
Ilan lang si Acidre sa tumutuligsa kay SP Escudero sa pagde-dedma ng Senado sa impeachment, na dapat bago pa nag-break ang session nung Disyembre 2024 ay tinalakay na ito.
Maging ang ilang retired Supreme Court Justices ay nagkomento sa ginawa ni SP Escudero. Isa raw pagsuway sa Konstitusyon ang ginagawa ng Senate President.
Well, kung ano man ang rason ni Escudero, kung bakit tinutulugan ang impeachment vs Sara ay siya lang ang nakakaalam o baka naman may bendisyon din ito mula kay Pangulong “Bongbong” Marcos, Jr. Puede!
Matatandaan na nagpahayag noon si PBBM na ‘wag nang patalsikin si Sara dahil hindi naman daw ito importate. Tapos naglunsad ng malawakang rally ang Iglesia ni Cristo (INC) na sumusuporta sa Bise Presidente.
Naniniwala ako na naninimbang si Escudero dahil sa INC.
Pero kung tutuusin, kapag napatalsik si Sara ay maaring maging instant Vice President si Escudero. Kaso naisip niya rin siguro na baka hindi siya ang itatalaga ni PBBM bilang VP dahil nandiyan si Speaker Martin Romualdez na pinsang buo ng Pangulo. Mismo!
Nasa mga kamay parin kasi ni PBBM kung sino ang itatalagang Vice President kapag na-impeach ang Vice President.
Say n’yo mga pare’t mare?
***
Twenty one (21) days nalang, simula na ng kampanya para sa mga lokal na kandidato – mula congressman, gobermador hanggang mayor.
Advise ko: Dumalo sa mga caucus ng mga kandidato, pakinggan ang kanilang mga plataporma para makapili ng tamang mamumuno sa inyong bayan at lalawigan. Okey?