Advertisers
UMISKOR si Donovan Mitchell ng 26 points upang tulungan ang Cleveland Cavaliers na makapitas ng kanilang ticket sa NBA playoffs Miyerkules (Huwebes,Manila time) sa mahirap na pinaglaban 112-107 wagi kontra Miami Heat.
Ang Cavaliers ay nag-improved sa 52-10, upang manateling matibay ang kanilang kapit sa Eastern Conference sa natitirang 20 games sa season.
Mitchell ay isa sa anim na Cleveland players na nagtapos ng double-figures laban sa short-handed Miami team na nawawala sina Andrew Wiggins, Kel’el Ware at Jaime Jaquez Jr.
Evan Mobley nagdagdag ng 16 points at 13 rebounds habang si Darius Garland nagtapos ng 15 points at 10 assists. Bam Adebayo pinamunuan ang Miami sa iniskor na game-high 34 points.