Advertisers

Advertisers

Espina kabilang sa 6 Filipino pacers sa 30th Rome Marathon

0 22

Advertisers

MATAPOS makupo ang Negros 134-mile Endurance Run noong Marso 2, ultramarathoner Rolando “Jun” Espina ay babalik sa Ireland para ipagpatuloy ang kanyang preparasyon na isa sa anim na Filipino pacers na lalahok sa prestihiyosong Run Rome the Marathon sa Marso 16.

“Naka tsamba lang po (I was just lucky),” Wika ng the 50-year-old Espina sa panayam bago ang kanyang return flight sa Ireland Martes,tungkol sa kanyang Negros 134-mile victory.

Sa kanyang Facebook post,pinasalamatn ng Ireland-based Filipino endurance runner ang kanyang team at organiser ng Negros 134-mile (216 kilometers) Endurance Run mula Dumaguete City to Bacolod City.



“Teamwork makes the dream work,” anya. “To everyone who supported us along the route, there’s too many of you to mention, we are forever thankful.”

Espina,nurse by profession, ay lalahok sa international pacers sa Rome Marathon na inaasahan na umakit ng mahigit 30,000 runners worldwide,kabilang ang Filipino participants.

Bukod kay Espina,iba pang Filipino pacers ay sina Fil-Canadian Miguel Garcia at ang Santa Teresa Pacing Team na binobuo nina JC, Jeanette, Kara, at Cathleen Santa Teresa mula sa New York.

Bago ang 30th Rome Marathon, Espina at iba pang Filipino pacers ay magbigay pugay sa Philippine Ambassador to Italy Nathaniel Imperial.

Noong Pebrero 23,Philippine Ambassador to the Holy See Myla Grace Macahilig at ang Filipino community ay dumalo sa Thanks giving Mass para sa Filipino pacers at runners bilang bahagi ng kanilang preparasyon para sa Rome Marathon.