Advertisers
Ni ROMMEL PLACENTE
IKINWENTO ni Ivana Alawi kay Barbie Forteza nang maging guest niya ito sa kanyang vlog ang diumanoý hindi niya makakalimutang karanasan sa kanyang interaksyon sa respetadong aktres at TV director na si Gina Alajar.
Aniya, nasita raw siya noon ni Direk Gina.
Gayunpaman, wala raw naman itong kinalaman sa trabaho kundi sa kanyang pagiging mahiyain.
Napagkamalan daw siya kasi nito na suplada at hindi namamansin.
“Tinawag talaga ako ni Direk Gina Alajar, ‘Ikaw halika nga dito, hindi ka marunong mag-hello …at makipagchikahan sa amin. Sabi ko, sorry! tapos iyak ako ng iyak”, pagbabahagi niya.
Sa kabila ng nangyari, hindi raw talaga maalis ni Ivana sa kanyang sistema ang kanyang pagiging mahiyain.
Hirit pa niya, taliwas daw sa nakikita sa kanya ng publiko sa kanyang vlog na sobrang masayahin at madaldal, shy daw at reserved talaga siya sa tunay na buhay.
Iyong pagiging kengkay daw niya o kuwela niya sa kanyang vlogs ay personang ipino-project lang daw niya sa kanyang followers.
Doon daw kasi siya nagustuhan ng kanyang 18.6 million followers sa YouTube.
***
CHITO NAGPASALAMAT, MISIS NA SI NERI ABSUWELTO SA KASONG ESTAFA
NAPA-Thank You Lord na lamang ang vocalist ng Parokya ni Edgar na si Chito Miranda matapos mabasura ng korte ang kasong syndicated estafa laban sa kanyang misis, ang dating aktres na si Neri Naig.
Inilabas ni Chito ang decision ng Pasay Regional Trial Court sa pagpapawalang sala sa mga kaso ng asawa na may kaugnayan sa isang beauty clinic.
Bukod sa syndicated estafa, nilinis din ang pangalan ni Neri sa paglabag sa Securities Regulation Code.
Sey ni Chito sa kanyang social media post “Mabuti na lamang alam ni Lord ang buong katotohanan kaya never Niya pinabayaan si Neri”.
Nagpapasalamat din ang singer sa lahat ng tumulong at sumuporta sa kanila.
“Sobrang blessed din kami dahil the people who matter knew the truth as well, and did everything they could to help and support her.
“We are so thankful that she was eventually given the chance to defend herself, and her side of the story,” bahagi pa ng post ng singer.
Pagtatanggol pa niya sa misis, napakabait daw nito at napaka hardworking.
“Ang problema lang talaga rminsan ay madalas syang naaabuso, at napapahamak.”
Matatandaang Nobyembre ng nakaraang taon nang dinakip ang aktres sa kasong estafa.
Maswerteng hindi naman nag-Pasko sa kulungan at nakapagpyansa at ngayon nga ay nalinis na ang pangalan ni Neri.