Advertisers

Advertisers

Pelikula nina Jennylyn at Dennis, flop?!; Sylvia busy sa public service activities

0 19

Advertisers

Ni Favatinni San

HINDI na miss ng syobis aficionados si Sylvia Sanchez. Visible siya sa mga public service activities sa district one ng Quezon City.

Yes, si Sylvia ang umaagapay sa kanyang anak na si congressman Arjo Atayde.



Katatapos lang ng kanilang fun run. Maging sa feeding program, livelihood program ay ang mag-inang Ibyang at Arjo ay buhos ang pagtulong sa kanilang constituents.

E, sa pag-arte yakang yaka ng mag-ina, paramihan sila ng acting awards.

Kailan kaya gagawa uli ng teleserye o pelikula sina Ibyang at Arjo. Aktibo ang Nathan Productions para sa foreign films distribution sa bansa.

Oppps, sa kaarawan ni Maine Mendoza ay birthday wish ni Mamala Ibyang ay para sa apo, kay Cong. Arjo at Maine. Oo naman, super happy sila Papa Art dahil binigyan na sila ng apo nina Ria at Zanjoe. Maging sa pamilya ni Maine ay gusto na magkaapo. Suwerte ang magiging anak nila dahil panganay si Arjo at bunso naman si Maine.

Alam ba ninyo ang tagal ko botante diyan sa barangay Sta. Cruz, Kyusi district 1 (sa may PMI College Roosevelt)…nag-transfer tayo sa ibang lokasyon, sana isa ako sa mga kaagapay ng mga grupo na sobrang love si Arjo.



***

KUMUSTA kaya ang gross receipt ng pelikula nina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo sa 200 theaters nationwide, huh?

Wala tayong nababasang figures kung kumita ba o nagbawas ng sinehan. Sa mga rebyu maganda ang rom-com film nila plus Sam Milby.

Hmmp, hindi raw nakatulong ang pag-iyak ni Sam nang maungkat ang break-up ni Cath Gray.

Teka, may pangako si senador Bong Revilla tutulungan ang mga film producers at mga artista.