Advertisers

Advertisers

Sharon Cuneta Mas Lalong Sumeksi Pa; 2 Opisyales Ni Mayor Honey Lacuna Kapwa Inaresto Sa Kaso Ng Pandarambong, Nagpiyansa!

0 21

Advertisers

Ni Peter S. Ledesma

ANIMO’Y bumabalik na sa dating figure o katawan niya noong 80’s and 90’s si Sharon Cuneta. Yes, sa latest post ng Megastar sa kanyang social media account ay sinabi nitong nag-shopping siya to buy a new clothes na kakasya sa kanyang small to medium size.

“For the very first time in over 20 years, I was able to shop for clothes again that I actually want to wear. I went up to a size 24(!) years ago, and that was when I truly panicked, because my health was suffering. I am now back to size 6-8. A small to medium. And when I tried on clothes for my new wardrobe, I was moved to tears because I still couldn’t believe I had finally lost all that ugly extra weight! Not done yet. Just few more. I thank the Lord everyday (with emojis). Pants: lululemon/ shirt: Dunno the brand-bought in Capri, Italy/ bag: Fleuron Paris/ watch: rose gold, chocalate face R. Daytona”. Buong post pa ni Shawie na napagod man at nagutom sa pag-diet ay nagbunga naman nang maganda.



***

PAREHAS sina incumbent Manila Mayor Honey Lacuna at Sam Versoza, wala silang tigil sa kakaakusa sa mga katiwalian daw ni Isko Moreno noong Mayor pa ito ng Maynila. Pero ang dalawa ay inirereklamo rin tulad ni SV na yung pork barrel niya umano bilang representavive ng Tutok To Win Party-list ang ginagasta umano niya sa mga ayuda nito sa Manileños.

At itong si Honey naman ay pinabayaan daw ang mga senior citizens at bumaho pa lalo ang Maynila sa administrasyon niya. At ito pa ang pinakamatindi. Inaresto ang dalawang matataas na opisyal ng Manila LGU ni Honey na sina Charlie DJ Dungo na Director ng Department of Tourism, Culture and Arts of Manila at Administrative Officer na si Steven Q. Principe dahil sa kaso ng katiwalian o pandarambong na violation of section 3 (c) of Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Sa inilabas na order ni Judge Edilu P. Hayag, ang Presiding Judge ng Manila Regional Trial Court (MRTC) branch 26 ay pinadarakip ang mga respondents na sina Charlie DJ Duñgo at Robert Steven Q. Principe.

Ayon nga sa kautusan ng hukom, kinasuhan ang mga akusado ng paglabag sa Section 3 (c) ng Republic Act 3019 o Anti Graft and Corrupt Practices Act, na isinampa ni Dr. Flordeliz Villaseñor, dating head ng Manila tourism bureau at reserve colonel ng Philippine Navy.



Matapos ang evaluation sa mga ebidensiyang nakasumite sa Korte, sinabi ng Judge na may probable cause upang ikulong ang mga akusado. Dahil dito ay naglabas ng Warrant of Arrest si Judge Hayag para sa pag-aresto o pagdakip sa nasabing mga akusado. Samantala, ayon sa abogado nina Duñgo at Principe, na si Atty. Princess Abante, na spokesperson ni Lacuna ay nakapag-piyansa na ang dalawa para sa pansamantala nilang paglaya. Hayan, sino naman kaya ang susunod na ipaaaresto? Bahala na kayong mag-isip hahaha. Your guess is as good as mine. Grabe talamak na talaga ang korapsyon at ilegal na aktibidades ng mga di matitinong opisyales ng lungsod ng Maynila. Kailangan na talaga na may maluklok na bagong alkalde na magpapabago sa bulok na sistema ng siyudad nang umunlad naman kahit paano ang buhay ng bawat Manilenyo!