Advertisers

Advertisers

Presyo ng bigas at baboy bababa ngayong Marso – Malakanyang

0 8

Advertisers

INIHAYAG ng Palasyo ng Malakanyang na asahan na ang pagbaba ng presyo ng bigas at karneng baboy ngayong buwan ng Marso.

Ayon kay Palace Press Officer USec. Claire Castro na posibleng bumaba sa 45 pesos kada kilo ang presyo ng bigas pagsapit ng March 31.

Bukod sa bigas, asahan din ang pagbaba ng presyo ng karneng baboy simula sa March 10.



Ani Castro, posibleng bumaba rin sa P350 hanggang P360 pesos kada kilo ang presyo ng kasim at pigi, habang ang liempo ay maaaring bumaba sa P380 pesos kada kilo.

Base sa pahayag ni Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel, isa sa mga dahilan ng inaasahang pagbaba ng presyo ng bigas ay ang patuloy na pagbaba ng presyo nito sa world market. (Vanz Fernandez)