Advertisers

Advertisers

‘Oplan Katok’ hindi pa sinususpinde – PNP

0 9

Advertisers

KLINARO ng Philippine National Police (PNP) na hindi nila tuluyang sinuspinde ang kanilang “Oplan Katok”.

Kasunod ito sa naging pahayag ni Commission on Elections (COMELEC) chairman George Garcia na sa pagkakaalam niya ay suspendido na ang operasyon.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig. Gen. Jean Fajardo, na hindi ito suspendido dahil sa direktiba ng COMELEC na matiyak na hindi ito naabuso.



Mayroon silang ilang mga panuntunan na idinagdag sa kanilang pagsasagawa ng “Oplan Katok”.

Ilan sa mga dito ay ang pagbibigay sulat sa mga may-ari ng mga expired na mga firearms.

Matatandaang ikinabahala ng Comelec na maaring magamit ng mga kandidato laban sa kanilang katunggali sa halalan ang nasabing “Oplan Katok” ng PNP.