Advertisers

Advertisers

HVI, timbog sa buy- bust sa Navotas

0 14

Advertisers

Kulong ang isang High-Value Individual (HVI), at pagkakumpiska ng droga sa Navotas City.

Kinilala ni Col. Cortes ang naarestong suspek na si alias “Pugak”, 43, ng Market 3 Brgy. NBBN ng lungsod.

Sa ulat kay Northern Police District Director PCol.Josefino Ligan ni Navotas police chief PCol. Mario Cortes, 8:43 ng gabi ng masakote sa isang buy- bust operation na may koordinasyon sa PDEA ang target sa Road 10, Brgy. NBBN, Navotas City.



Nasamsam sa suspek ang 55.7 grams ng shabu na may Standard Drug Price na P378,760.00.00.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A 9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) na sasailalim sa Inquest Proceedings sa Navotas Prosecutor’s Office.(Beth Samson)