Advertisers
Tila hindi maganda sa una pa lang ang working relationship nina Presidential Communications Office (PCO) Secretary Jay Ruiz at Usec. Claire Castro.
Sa body language pa lang ng dalawang opisyal,obvious na magkaibang direksyon ang kanilang tinatahak.
Kontra- pelo to the max ika nga!
Nitong nakaraang araw ng Martes,magkahiwalay na press briefings ang ipinatawag nina Ruiz at Castro sa mga miyembro Malacanang Press Corps.
Nauna si Sec.Ruiz na nagpaliwanag sa umano’y mali at malisyosong akusasyon laban sa kanya ng isang online media entity.
Patungkol ito sa umano’y conflict of interest ng kanyang posisyon sa pamahalaan bilang PCO Secretary at ang kanya umanong mga negosyo na may direktang transaksyones sa gobyerno.
Patungkol ito sa isang project sa pagitan ng PCSO at ng kanyang business firm na Digital Inc.
Umaabot umano ng mahigt sa halagang Php 200 milyon ang kabuuang halagang involved.
Pinasinungalingan ni Ruiz ang akusasyon at sinabing tumayo lang itong representative ng Digital Inc.at hindi ito part- owner ng nasabing pribadong kumpanya.
Tumakbo ang kabuuang press con ni Ruiz explaining his side of the story.
Demolition job lang daw ito sa kanya ng ilang grupo o indibidwal.
Inakusahan pa nito ang ilang insiders ng PCO ng pagiging sipsip at pang- iintriga.
May mga leakages pa umanong nangyayari sa kanilang tanggapan.
After ng presscon ni Sec.Jay Ruiz,si Usec.Castro naman ang nagpatawag ng pambalitaang pulong kung saan naitanong ng isang reporter ang reaksyon ni Usec.Castro sa mga sinabi ni Ruiz sa kanyang earlier press con..
“Di ko alam yun,sinabi ba talaga nya yun”, balik na tanong ni Castro sa media.
“Siya na lang tanungin nyo”, insisted Castro.
Napailing na lamang ang mga mamamahayag sa sagot na ito ni Usec Claire Castro.
Malinaw na walang koordinasyon sa hakbangin ng dalawang pinakamataas na opisyal ng PCO.
Worst, mukhang hindi nag- uusap man lang ang dalawang opisyal ng communications group ni Marcos Jr.
Sa naging pahayag pa ni Usec.Castro sa media, sinabi pa nito na nasa proseso na nang pag- divest sa kinukuwesyong investments ni Sec.Ruiz sa kumpanyang naging sanhi ng issue sa conflict of interest sa trabaho at tungkulin ng PCO chief.
Which is which ba talaga?
Sino sa dalawang opisyal na ito ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo?
Baka naman kapwa sinungaling?
Kung baga,hindi nagkakaamuyan itong si Ruiz at Castro para sa kanilang dapat sanay coordinated moves sa kapakanan ng kanilang tanggapan.
Spokespersons sila ng Pangulo at ng estado pero kapwa sila nagkakalat sa kanilang sensitibong posisyon.
Unfair para sa taongbayan na nagpapasuweldo sa dalawang opisyal na ito.
Wala ba talagang delicadeza at hiya itong sina Ruiz at Castro?
Don’t wash your dirty linen in public especially infront of Malacanang reporters.
Sabi nga ng vlogger na si Banat By, sobrang atat na pumapel itong si Usec.Castro sa administrasyong Marcos Jr. at kay mismong FL Liza Araneta Marcos
Si Usec.Castro nga ba ang tinutukoy ni Sec Ruiz na sipsip at mahilig bumulong kung kani- kaninong Poncio Pilato ng Palasyo?
Hindi pa man nagtatagal sa poder,iskandalo na ang bitbit sa Malacanang.
Si Usec.Castro rin ba ang nagleak sa media na si FL Liza ang nagpasibak kay Presidential Security Command (PSC) commander Gen.Jesus Nelson Morales for still unknown reasons?
Hala!
Ang alam natin sa mga ganyang usapin ay branded as
” classified informations” na iligal at bawal i- Marites lalo na sa hanay ng media?
Delikado ang mga ganitong diskarte kung kaya pala TILA aloof at di gusto ni Sec.Ruiz ang galawan ni Usec.Castro?
May kasunod…
Abangan!
***
PARA SA INYONG KOMENTO, REAKSYON AT SUHESTIYON, MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP. 0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com