Advertisers
Patay ang isang barangay kapitan nang tambangan ng hindi pa nakilalang salarin sa Purok 7, Barangay Cabisera 27 (Abuan) sa lungsod ng Isabela.
Kinilala ang biktima na si Barangay Kapitan Avelino Quitola, 62-anyos ng Cabisera 27 (Abuan) dito sa nasabing lungsod.
Natanggap ng Ilagan Component City Police Station ang ulat ukol sa nangyaring pamamaril na agad namang rumesponde ngunit hindi na naabutan sa lugar ang Brgy. Captain makaraang naisugod na sa pagamutan.
Napag-alaman, galing ang nasabing barangay opisyal sa pag-aari nitong establisyimento sa Brgy. Villa Imelda kasama ang asawa nguni’t nauna nang umuwi sakay ng E-bike habang lulan naman si Quitola ng kanilang kolong-kolong.
Nang makarating sa Purok 7 sa lugar na iyon na loobang bahagi ng maisan at kalapit ng sementeryo, doon na pinagbabaril ang biktima na hindi pa nakilala kung sino ang mga nasa likod ng pammaslang sa biktima.
Dead on arrival sa isang pagamutan sa lungsod ang biktima dahil sa mga tinamong sugat mula sa hindi pa mabatid na uri ng baril na ginamit ng riding in tandem kriminal.
Dahil dito, agad na ipinag-utos ni PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO kay PLtCol. Jeffrey Raposas, hepe ng Ilagan City Police Station ang malalimang imbestigasyon at manhunt operation laban sa mga salarin.
Hanggang ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaril sa mga opisyal ng barangay. (REY VELASCO)