Advertisers

Advertisers

JOEY DE LEON FLINEX ANG BIRTHDAY GIFT KAY MAINE

0 24

Advertisers

Ni BETH GELENA

IBINIDA ni Joey De Leon ang birthday gift niya para kay Maine Mendoza.

Ipinost niya sa social media ang regalo para sa kanyang EB female host.



Ipinost niya sa kanyang Instagram ang iginuhit niyang bagong photo ng misis ni Cong. Arjo Atayde.

Ayon sa beteranong EB host, “self portrait with a touch of Yaya Dub”

Ika-30th birthday ni Maine last March 3.

“This is my gift to the Birthday Girl Maine—a self portrait with a touch of Yaya Dub (polka dots). Thanks Menggay for the happy and funny ten years as a Dabarkads!” wika pa ni Joey kay Maine.

“Thank you, Boss Joey! Love you,” pasasalamat ng birthday girl.



First day pa lang ng birth birth month ni Maine ay may stunning post na siya sa Instagram page, @mainedcm.

Ibinahagi niya ang mga magagandang larawan na captured by Charisma Lico-Santos.

Aniya, “How did we get to March so fast?”

“Hello, birth month!” dagdag pa niya.

***

ERIK, YENG AT TJ IN-UNFOLLOW SI MOIRA SA SOCMED

MAY pagkataklesa rin naman si Regine Velasquez.

Last Sunday sa live episode ng ASAP ay guest si Sam Milby dahil magpo-promote ng kanilang teleserye na Saving Grace.na palabas na sa TV5.
Masayang nagtsitsikahan ang dalawa nang lumapit si Robi Domingo at dalahin silang dalawa papunta kay Piolo Pascual na guest din sa programa.
Sa gitna ng biruan, binitiwan ni Regine ang linyang, “Sorry kasi we’re not friends anymore,” na ikinagulat ni Sam.

Napansin ng netizens ang reaksyon ni Sam, na tila nagulat ngunit idinaan na lamang sa tawa.

Agad namang kumambyo ang Asia’s Songbird at niyakap ang aktor bago nagpatuloy sa hosting.

Alam kasi ng lahat na ang linyang sinabi ni Regine ay reference sa pahayag ni Sam tungkol sa pagkasira ng pagkakaibigan nila ng OPM singer na si Moira Dela Torre.

Sa gitna ng kontrobersiya, nananatiling tahimik si Moira at mariing itinanggi ang mga kumakalat na maling impormasyon tungkol sa kanya. Wala rin siyang tugon sa umano’y pag-unfollow sa kanya nina Erik Santos, Yeng Constantino, at TJ Monterde.

***

GABBI TSUGI NOON SA PBB AUDITION, HOST NA NGAYON

IBINAHAGI ni Gabbi Garcia ang ilang snaps ng kanyang kapwa Pinoy Big Brother hosts: Aniya ‘Thank you for the warm welcome!’

Sa Instagran ng Kapuso It Girl ay makikitang kasama niya sina

Mavy Legaspi, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Bianca Gonzalez, at Alexa Ilacad.

“Thrilled to be part of another [GMA Network and [ABS-CBN] collaboration! This time with [PBB]. Thank you for the warm welcome!!! Excited to learn, have fun, and create amazing memories with everyone!” caption ni Gabbi.