Maraming Kaibigan sa Showbiz ang Aking Ina
Advertisers
Ni Oggie Medina
ANG aking ina, si Rosita Constantino Medina, na nag-aral sa St. Mary’s at UST high school, ay isang Kapampangan. Mahilig siyang magluto at umawit. Madalas siyang makita sa mga Bible studies.
Marami siyang kaibigan sa showbiz dahil pamangkin siya ng yumaong LVN director Felicing Constantino. Kamag-anak niya si dating Pangulong Diosdado Macapagal sa parte ng mga Vitug.
Naalala niya na ang kanyang best friend actor Georgie Quizon (kilala sa mga pelikulang Stariray, Close to You at Captain Barbell), kapatid ni comedian Dolphy, ang tumulong sa pag-ayos ng kanyang debut na nalathala pa sa old Manila Times at Manila Bulletin.
Si singer Cenon Lagman, na Prinsipe ng Kundiman, ay kanyang childhood best friend. Si Fernando Poe Jr., o FPJ, na King of the Philippine Movies, ay kanya ring childhood friend (Rosita’s relative ay hardinero ng Poe family). Si singer-actor Fred Panopio (ang kanyang mga sikat na awitin ay Pitong Gatang, Tatlong Baraha, at Markado) ay kanyang kapitbahay sa Quezon City. Malapit siya sa sikat na magkapatid na “Darling Twins”.