Advertisers

Advertisers

MSRP sa karneng baboy tuloy ngayong Marso — DA

0 11

Advertisers

TULOY na ngayong buwan ang maximum suggested retail price (MSRP) sa karneng baboy upang mapigilan ang pagtaas ng presyo ng naturang produkto sa merkado.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Junior, na posibleng maipatupad ngayong buwan ang MSRP matapos ang gagawing konsultasyon sa mga stakeholder ngayong linggo.

Maaari na rin anyang ipatupad sa Marso 10 ang MSRP sa baboy.



Batay sa monitoring ng Bantay Presyo, naglalaro sa P360 hanggang P430 kada kilo ang kasalukuyang presyo ng kasim habang aabot naman hanggang P480 kada kilo ang liempo.