Advertisers
Nasakote ng mga operatiba ng Anti- Illegal Drug Buy- bust operation ang isang high value individual , at dalawang babaeng kasama nito sa Caloocan City , nitong Lunes.
Sa ulat,11:34 ng umaga nang magsagawa ang mga operatiba ng Caloocan- Station Drug Enforcement Unit na nagresulta sa pagkaaresto sa mga suspek .
Sa ipinadalang report kay Northern Police District Director PCol.Josefino Ligan ni Caloocan Police Chief PCol. Edcille Canals, naikasa ang buy bust operation laban kay alias ” Michael”, 44, ng Barangay 176, Caloocan City at dalawang babaeng sina alias “Cherry” at alias “𝐌arjorie” sa Phase 5A, Package 3 , Bagong Silang, Barangay 176 Caloocan City.
Nakumpiska ang 1,000 grams ng high grade kush at 2,170 grams ng pinatuyong dahon ng marijuana na may standard drug price na Php 1,660,400.00.
Sasampahan ng kasong paglabag sa Sec 5 at Sec.26 at 11, Art.ll of R.A.9165 ( Comprehensive Dangerous Drugs of 2002 ).(Beth Samson)