Advertisers

Advertisers

Petisyon sa pag-disqualify sa pagtakbong Senador ni Rep. Erwin Tulfo binasura ng COMELEC 1st division!

0 11

Advertisers

Binasura ng Commission on Election (COMELEC) 1st Division ang mga inihaing disqualification case laban kay ACT-CIS Party List Representative Erwin Tulfo sa pagtakbo nito bilang Senador.

Base sa opisyal na pahayag ni Senatorial candidate Rep. Tulfo, Una, nais ko pong magpasalamat sa Poong Maykapal. Taos-puso rin akong nagpapasalamat sa 1st Division ng Commission on Elections para sa makatarungan at patas na desisyon nito sa petisyon para ma-disqualify ako bilang kandidato sa May 2025 Senatorial race.

Ang pagkakadismiss ng kaso dahil sa hindi pagsunod ng petitioner sa mga kinakailangang rekisito ng COMELEC ay patunay ng integridad ng ating halalan at ng kahalagahan ng pagsunod sa tamang proseso.



Buong tiwala akong naninindigan sa kalayaan at pagiging patas ng COMELEC. Ang desisyong ito ay nagpapatunay sa matibay na paninindigan ng Komisyon sa katarungan at sa pagpapanatili ng kredibilidad ng ating demokratikong institusyon.

Bilang lingkod-bayan, nananatili akong tapat sa aking tungkulin na maglingkod nang may
integridad, katapatan, at pagsunod sa batas. Ang desisyong ito ay nagbibigay-daan upang lalo kong maituon ang aking oras at pagsisikap sa paglilingkod sa ating mga kababayan at sa pagsusulong ng kanilang kapakanan sa Kongreso.

Muli, lubos akong nagpapasalamat sa COMELEC sa kanilang pagsisikap at pagiging patas sa paghawak ng kasong ito.

Salamat din sa aking mga taga-suporta sa inyong patuloy na tiwala at suporta. (Cesar Barquilla)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">