Advertisers
NAKA-ATTEND ako ng isang forum, kung saan naka sentro ang diskusyon sa mga hangarin ng mga kandidatong nominee sa ating partylist system.
Maganda ang title ng forum, “Bakit Kayo sa Kongreso” (BKSK), kung saan ang host ay ang friend kong si Pia Morato, at di basta-basta ang venue. Ginagawa ito sa bagong Tribute Hotel sa may Scout Gandia.
Noong Lunes nilaunched ang forum, at ang mga panauhin pa ay mga kaibigan natin na sina Epanaw Sambayanan Partylist nominees Atty. Marlon Bosantog (1st nominee) at Lorraine Badoy (2nd nominee).
Sa takbo ng talakayan, nabanggit nila Bosantog at Badoy, isa sa kanilang adbokasiya ay gawing institusyon na ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC). Dahil naniniwala raw sila, na ito ang malaki ang nagawa kung ang pag-uusapan lamang ay ang matagal ng panahon ng pamemeste ng mga Communist Party of the Philippines-New People’s Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF).
Para kay Bosantog, napatunayan nilang ang NTF-ELCAC ay mabisang pang-lansag sa mga komunistang-teroristang CPP-NPA-NDF, qt natutugunan nito ang lahat ng problemang dala ng mga rebelde partikular na sa ating mga katutubo.
Natigil aniya, ng task force ang pananamantala ng mga komunistang-terorista sa mga katutubo.
Subalit sa katagalan, nakagagawa pa ng paraan ang CPP-NPA-NDF na harangin ang mabuting hangarin ng NTF-ELCAC – ang maibaba sa pinakamalayong lugar ang mga programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng BDP o’ Barangay Development Program.
Paliwanag ni Bosantog, mula sa P20 million budget ng BDP para sa bawat barangay na pinipeste ng CPP-NPA-NDF, natapyasan ng natapyasan ito.
Dahil ang gusto ng mga komunistang-terorista ay manatili sa kahirapan ang malalayong mga barangay upang kanila itong mapagsamantalahan.
Sa kabilang banda, sinabi naman ni Badoy na ang CPP-NPA-NDF ay na-infiltrate na ang maraming sectors ng ating lipunan, partikular na ang education system ng bansa, kung saan nagagawa nilang mga combatant ang mga mag-aaral, dahil sa mapanglinlang nilang paraan ng pagrerecruit sa ating mga kabataan.
Isa sa nagustuhan ko sa sinabi ng dalawang nominee ng Epanaw Sambayanan Partylist, ay ang panawagan nila sa publiko, na huwag nang iboto ang mga kandidatong may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF. Gaya ng mga representante ng ACT-Teacher, Kabataan, Gabriela, Bayan Muna, at Makabayan.
Tama naman sila Bosantog at Badoy, ang mga grupo na iyan ay di lang may kaugnayan sa CPP-NPA-NDF. Sila ay totoong mga komunistang-terorista.