Advertisers

Advertisers

MGA BARANGAY CHAIRMAN, TILA MASYADONG SPOILED KAY MAYORA HONEY LACUNA

0 12

Advertisers

TILA masyado yatang spoiled Ang mga BARANGAY CHAIRMAN sa lungsod ng Maynila kay MAYORA HONEY LACUNA matapos na anyayayahan at dalhin ang mga ito sa Boracay para sa kanilang out of town outing makakailan.

All expenses paid including hotel accomodation at may kalakip pa daw itong personal allowance mula kay Mayora.

Ayos lang sana at karapat-dapat namang bigyan ng incentive ang mga ito para sa kanilang hirap at sakripisyong ginampanan sa kanilang mga BARANGAY.



Dangan nga lang ay napaaga yata ang kanilang summer outing dahil halos katapusan pa lang ng Pebrero ng sila ay pumunta sa nasabing isla.

Ito ay nataon pa sa campaign period ng mga local official para sa gaganaping eleksiyon sa Mayo na kung saan ang mga chairman ay mahalagang makinarya upang makahatak ng botante particular na sa nasasakupan nilang lugar.

Ang outing daw ayon sa city hall ay parte ng isang team-building effort upang lalong maging matibay ang samahan ng BARANGAY at ng gobyerno

Ipina-palagay naman ng Ilan political expert na ito ay hindi team-building kundi isang team-crawling na kung saan gina-gapang ng administrasyon ang lahat ng paraan upang umani sila ng boto.

Wala namang problema dito kung ano man ang kanilang motibo dangan nga lang ay kung saan galing ang pondo at kung papaano itong mababawing muli ng lokal na pamahalaan.



Kung sa bagay ay marami naman siguro ang mga sponsor na susugal sa proyektong ito nguni’t ano naman kaya ang magiging kapalit.

May mga sponsor man daw marami ang nagsasabing hindi ito sapat upang tustusan ang perang nilaan dito ng city hall na umaabot ng milyones.

Halos dalawang buwan na lang at sisintensiyahan na ang mga kandidatong lumahok, kung sila ay wagi o’ uuwing luhaan.

Celebrated at much-awaited sa lahat ang magiging resulta ng eleksiyon dito sa Maynila sa pagitan nina incumbent Mayor LACUNA at former Mayor Isko Moreno.

Habang lumalapit ang halalan ay lalong umiigting ang batikusan,siraan at pang-uuto ng dalawang panig sa pag-akit ng mga botante.

Patawag dito, patawag doon na kung saan ang patawag ay nagiging pamigay at pamudmod sa kanilang mga kumbidado.

Balita natin ay pinakamababa daw ang 1k kada patawag ng dalawang kampo,kung Minsan daw ay uma-abot sa 1,500 k na may kalakip pang 5 kilong bigas kada botante.

Mukhang ubusan ng pera at pahabaan ng pisi ang labanan ng dalawang ito para makamit lang ang prestisiyosong posisyon bilang Alkalde ng lungsod ng Maynila.

Malaki rin daw ang posibilidad na hahantong pa sa personalan ang magiging labanan ng dalawang ito na kung saan Isa sa kanila ang matatapos na ang career sa politika at iyan ang mamalasin at di magwawagi.

Àno man ang maging resulta ay good luck na lang sa inyo at” may the best man win”.