Advertisers
Ni Beth Gelena
PINAHAHANAP ni Coco Martin si Katherine Luna upang isama umano sa Batang Quiapo
After na mapanood daw ng actor ang interbyu ni Julius Babao sa kanyang Unplugged YouTube Channel ay agad naisip niyang tulungan ang dating nakatrabaho at naging karelasyon pa raw.
Hindi nagdalawang isip ang actor-direktor na ipahanap si Katherine para mabigyan niya ng tulong.
Bukod sa planong isama niya sa BQ ang dating aktres ay ipapagamot pa niya ang kaliwang mata nito bago makabalik sa pag-arte.
Hindi pa agad pumayag si Katherine dahil nasa interesting stage siya ngayon dahil buntis.
Maraming humanga kay Coco sa kanyang malasakit sa dating kasamahan kahit may hindi sila pagkakaunawaan.
Binulgar ng dating aktres na mayroon na siyang pitong anak at pabirong sinabi na nagtataka siya kung bakit ang dali niyang mabuntis.
Sa kabila nito, inamin niyang nais niyang bumalik sa pag-arte.
Ayon kay Katherine, pinili niyang umiwas noon sa isyu, lalo na nang lumabas ang resulta ng DNA test na nagsasabing hindi si Coco ang ama ng anak niyang si Nicole.
Dahil dito mas pinili niyang ilayo ang anak upang maiwasan ang anumang maling akusasyon na ginagamit niya ang pera ng aktor.
Aniya, hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang nangyari matapos lumabas ang balita.
Sa kasalukuyan daw ay hindi pa rin nakikilala ni Nicole ang kanyang tunay na ama.
Maraming netizens ang humanga sa aktor dahil sa patuloy na pagtulong sa mga taong minsan niyang nakasama, kahit pa nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan noon.
In fairness, si Katherine ay isang mahusay na aktres.
***
NAGREAK si Xian Gaza sa hindi pag-follow ni Sam Milby kay Moira Dela Torre.
Shinare ni Xian Gaza ang attention-grabbing Facebook post ng Fil-Am about Sam at Moira.
Along with the screenshot, the so-called Pambansang Marites’ post has garnered numerous reactions on FB.
Reaksyon ni Gaza, “Ang daldal mo kase beh.”
“Ngano man giannounce nimo beh (why did you announce it? Mali yon” ani pa ni Xian.
Kamakailan lang ay may nasabi ang aktor sa isang panayam.
He spoke about his past friendship with singer Moira, revealing that they are no longer friends.
Pinabulaanan niyang si Moira ang cause ng break up nila ng beauty queen girlfriend
“There was never a third party sa amin ni Cat. That needs to be cleared. There is no truth to it at all,” lahad ng aktor.
Pero, inamin niyang, “We are not friends anymore,” referring to Moira.
“It’s an issue that’s really sensitive,” pakli pa ni Sam.
***
ASAP 30 TAON NA!
LIVE ang ASAP last Sunday dahil 30th anniversary ng longtime variety show ng ABS-CBN.
Nasa audience ang mga bosses ng Kapamilya network at personal na nakisaya sa ASAP celebration party na pinangunahan ni Ms. Cory Vidanes, President Carlo Katigbak, Louie Andrada at direk Lauren Dyogi, etc.
Personal namang nagbigay ng mensahe ang original na nag-form ng A$AP na si direk Johnny Manahan na mas kilalang Mr. M.
Hindi mapigilang mapaluha ni Pops Fernandez, ang isa sa host ng ASAP noon habang nagbibigay ng touching message si Mr. M sa inabot na 30 taon ng Sunday variety show.
Hanggang matapos magbigay ng mensahe si Mr. M ay panay pa rin ang tulo ng luha ni Pops.
Hindi nakalimutang bigyan ng importansiya ni Mr. M si Martin Nievera na siyang naging katuwang niya sa pagbuo ng ASAP.
Pinasalamatan din ni Pops sina Ariel Rivera at Dayanara Torres na naging parte rin ng programa at maging si Sir Deo Endrinal (RIP).
May continue na celebration ang ASAP para sa mga OFW na nasa ibang bansa.
Sa August 30 ay nasa Birmingham, England ang grupo para bigyan ng kasiyahan ang mga Briton at mga Pinoy na nagtatrabaho doon.