Advertisers

Advertisers

Parak nagbahagi ng 1 buwang sahod sa mga ‘Hijos’ ng Quiapo Church

0 198

Advertisers

SA kabila ng kontrobersyang kinahaharap ng Pambansang Pulisya sanhi ng trahedyang kinasangkutan ng isa sa kanilang miyembro, nagbahagi si SSG Franklin Kho ng Manila Police District ng isang buwan niyang sweldo upang makatulong sa mga “hijos” ng Quiapo Church.
Gamit ang nasabing halaga, bumili si SSG Kho ng 15 kahon ng de lata at 9 sako ng bigas at personal nya itong ibinahagi sa mga hijos.
Ang mga Hijos ng Quiapo Church ay mas kilala bilang Hijos del Nazareno sapagkat taon-taon nilang pinagsisilbihan ang Poon tuwing ginugunita ang kapistahan nito.
Lubos ang pasasalamat ng mga Hijos sa kabutihang ipinamalas ni SSG Kho lalo ngayong panahon ng krisis pangkalusugan dulot ng umiiral na pandemya.
Sa darating na Enero, gugunitain ang isa sa pinakamalalaking pagtitipon ng mga de boto ng Poong Nazareno sa bansa at isa sa mga mangunguna sa nasabing paggunita ay ang mga Hijos ng Quiapo.