Advertisers

Advertisers

PACMAN, ISASAPELIKULA ANG LIFE STORY PARA SA NETFLIX

0 248

Advertisers

BONGGA ang balitang isasapelikula ulit ang life story ni boxing icon-turned Senator MANNY “PACMAN’ PACQUIAO, pero this time ay para sa NETFLIX na patok ngayong pandemic. Una nang naisapelikula ang buhay ng Pambansang Kamao na ginampanan ni JERICHO ROSALES at BUBOY VILLAR sa young version, via “KID KULAFU”.

BONGGA talaga kung tuloy ang planong gaganap na PACMANsi RAMI MALEK ng ‘Bohemian Rhapsody’, winner lang naman ng 2019 BestActor Award sa OSCARS sa role bilang FREDDIE MERCURY. Ang pamosong icon namang si LEONARDO DE CAPRIO ang napipisil daw gumanap bilang Coach FREDDIE ROACH.

Kung totoo ito, sino kaya ang mapipisil sa role ng JINKEE PACQUIAO at Mommy DIONESIA? Exciting! Wait, may mga paunang pahaging, baka raw magagamit lang ang NETFLIX project na ito kung sakali, sa balak ni PACMAN na tumakbong President ng bansa.



Lalong aapaw ang social media na recently ay binulabog ng bashers, projecting na di qualified kung tutuusin si PACMAN base saeducational background na promoted o accelerated lang dahil sa tulongng DepEd. Hay naku, ayaw ng manager niyang si ARNOLD VEGAFRIA ng ganyan huh! Isipin na lang daw ang hangarin ni PACMAN na makatulong sa nakararami! Yun na!

ANDRE PARAS, SASABAK NA SA PBA

FINALLY, nakapagdesisyon na si ANDRE PARAS, kuya ni KOBE at anak ni starcager-comedian BENJIE PARAS na may sariling tatak sa pro league bilang ‘TWIN TOWERS” at first ever PBA player na nakapagbulsa ng titulong ROOKIE OF THE YEAR at MOST VALUABLE PLAYER ng 1989.

Maraming bilib sa husay ni ANDRE na galing sa DE LASALLE UNIVERSITY at lumipat later sa UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES, ang team na pinag-umpisahan ng dad niyang si BENJIE. Nasa UP MAROONS din ngayon si KOBE.

Hasa na si ANDRE mula sa mga sinalihang koponan. Galing din siya sa AMA ONLINE EDUCATION, PBA D LEAGUE (2019) at MAHARLIKAPILIPINAS BASKETBALL LEAGUE, DATU CUP. Nakagawa na rin ng pangalan sa showbiz si ANDRE tulad ni BENJIE at ng inang si JACKIE FORSTER, marami-rami na siyang naging projects sa mother network nyang GMA 7Kapuso.



Hindi pa kampante si ANDRE na kaya niyang tapatan ang“TWIN TOWERS” ng ligang prupesyunal sa basketball pero siguradong makikipagsaba-yan at magpapakabog ang 6’4” actor-cager. Nakapagpasa na pala ito ng application para sa 2021 PBA Draft, Season 46. ABANGAN!

DECEMBER CHEERS

MANY HAPPY RETURNS of the day to DIVINA FERRY LAGASCA, JACQUELINE GARCIA FRANCISCO, NORGEN EQUING WILDER, AILEEN RAQUEPO of Bataan and to AU pride Ms. RITA ENRIQUEZ, Mam SHARA ALASCO and Mam ROWENA R. GARCIA. May you all receive the best blessings of the Good Lord. MERRY CHRISTMAS po sa lahat ng aming mga suki, friends, family circle, and of course, sa buong POLICE FILES TONITE Family.

HAPPY READING!