Advertisers

Advertisers

P202.9m natipid ng Manila LGU sa utang sa buwis, inilaan sa bakuna vs COVID-19

0 219

Advertisers

NAKAPAGTIPID ng P202.9 milyong pondo ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para pambili ng bakuna sa Covid-19.
Ito ay matapos aprubahan ng Bureau of Internal revenue (BIR) ang kahilingan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na kanselahin ang tax liability ng Manila LGU sa BIR.
Ang nasabing pagkakautang sa buwis ng Manila LGU ay matapos na hindi makapagbayad ng dalawang nakaraang administrasyon kung saan lomobo ngayon sa mahigit P202 milyon.
Pinasalamatan naman ni Domagoso si BIR Commissioner Cesar Dulay dahil pumayag ito at inaprubahan ang kahilingan ng alcalde para sa kapakanan ng mamamayang Manilenyo.
Pinuri naman ni Dulay si Domagoso sa pagiging proactive nito na aniya, kung hindi dahil sa pagkilos ng alkalde ay maaring nawala na nang tuluyan ang milyon-milyong buwis ng lungsod.(Jocelyn Domenden)