Advertisers

Advertisers

TRABAHO Partylist isusulong ang regular na sahod para sa mga pampasaherong driver

0 54

Advertisers

Nag-ulat ang Overseas Labor Market Forum ng pagkakataon para sa mga Filipino drivers na makapagtrabaho sa Japan at Europa sa susunod na apat hanggang limang taon, kung saan inaasahang kakailanganin ng Japan ang mahigit 24,000 taxi drivers at 4,000 train drivers, na may buwanang sahod mula P58,000 hanggang P65,000.

Dahil dito, nanawagan ang TRABAHO Partylist para sa makatarungang sahod at regular na employment status para sa mga pampasaherong drivers sa Pilipinas, upang hindi na kailanganin pang mangibang-bansa ang mga ito upang makahanap ng mas maginhawang kabuhayan.



Ayon kay Atty. Mitchell-David L. Espiritu, tagapagsalita ng TRABAHO Partylist, mahalagang mapabuti ang kondisyon ng trabaho ng mga pampasaherong driver sa bansa upang makasabay sa mga international standards at upang hindi na mapilitan ang mga driver ng jeep at bus na iwanan ang mga pamilya at mangibang bansa.

Ang Department of Labor and Employment (DOLE) ay nauna nang nagsulong ng regular na employment status para sa mga jeepney drivers na magpapatuloy sa ilalim ng jeepney modernization program, na may nakatakdang sahod at mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth.

Sa datos noong 2012, nag-isyu ang DOLE ng isang kautusan na nagtatakda ng fixed salary at mga benepisyo para sa mga bus drivers, at nagbigay ng kapangyarihan sa Land Transport Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang ipatupad ang parehong polisiya para sa mga jeepney driver at operator. Subalit, hindi pa rin ito naipatupad para sa mga jeepney driver, kaya’t patuloy na naging kalakaran ang boundary system kung saan kinikita ng mga jeepney driver ang kanilang sahod mula sa komisyon na nakabase sa haba ng ruta at dami ng pasahero.

Ito ay nagiging sanhi ng mga aksidente sa kalsada, pagbaba ng work-life balance, at masamang epekto sa kalusugan ng mga driver dahil sa tagal ng oras sa byahe at pisikal na epekto ng trabaho para lamang mapagkasya ang kita sa kinakaharap na mataas na presyo ng gasolina at mga pangunahing bilihin, dagdag ni Atty. Espiritu.

Binanggit ni Atty. Espiritu na dahil sa pisikal na hirap at panganib na dulot ng trabaho, ang sahod ng mga pampasaherong driver ay dapat na higit sa minimum wage, at may karagdagang sahod para sa mga mahahabang ruta. Bukod pa rito, kailangan ding magkaroon ng mga benepisyo tulad ng medical allowance, rice subsidy, at clothing allowance, pati na rin hazard pay dahil sa matagal na exposure sa mga polusyon sa kalsada.