Advertisers
NAGHAMON ng suntukan at nagbanta sa port police si Mayor Leo Mendoza ng San Andres, Catanduanes matapos hindi makapasok ang kanilang negosyo sa San Andres Port.
Nakuhanan ng video ang nangyari nitong Sabado, Marso 1, pasado 1:00 ng hapon.
Ayon sa ulat, nais ng alkalde na magtayo ng isang restaurant sa loob ng pantalan pero sinita ito ng Philippine Ports Authority (PPA) dahil sa kawalan ng legal na dokumento at hindi ito kasama sa master plan ng ahensya.
Nag-ugat ang tensyon noong Enero nang ilang beses na subukang ipilit ni Mendoza at ng kanilang mga tauhan ang proyekto sa kabila ng pagtanggi ng PPA.
Giit ng mayor, kailangang maiwasang maipatayo ang proyekto para sa problema sa Commission on Audit (COA) pero wala rin siyang maipakitang legal na papeles kaugnay nito.
Matatandaan namang 2023, sinimulan ni Mendosa ang paniningil ng P10 “environmental fee: sa mga pumapasok sa pantalan.
Kasalukuyan din umanong kumikilos si Mendoza para sa muli niyang pagtakbo bilang mayor sa halalan sa Mayo.