Advertisers
SUGATAN ang labing-apat na katao kabilang ang driver ng dump truck na may kargang panambak na lupa nang mawalan ng kontrol sa manibela at bumangga sa isang pampasaherong bus bago inararo ang pitong sasakyan pa 6:00 ng umaga ng Sabado sa national highway ng Sitio Palico, Baramgay Luntal, Tuy Batangas.
Kinilala ang driver ng dump truck (NEP 8152) na si Jake Esperon, 48 anyos, ng Brgy. Bacao, Taysan, Batangas; habang kinilala ang driver ng Batman Star Express Bus Corporation (NAV 6092) na si Florencio Ramos, 49, ng Brgy. Aga, Nasugbu, Batangas.
Ayon sa imbestigasyon ng Tuy Municipal Police Station, galing sa lungsod ng Calaca ang Shacman Dump Truck na minamaneho ni Esperon nang nawalan umano ito ng preno, at unang bumangga sa bus na minamaneho ni Ramos, bago inararo ang mga nakaparadang sasasakyan sa tapat ng isang conveniece store.
Dinala ang 11 pasahero at driver ng bus at driver ng truck pati ang isang tricycle driver sa Don Manuel Lopez Memorial District Hospital sa Balayan at sa Apacible Memorial District Hospital sa Nasugbu.
Mahaharap ang driver ng dump truck sa mga kasong Reckless Imprudence in Resulting to Multiple Damage to Properties and Multiple Physical Injuries.(Koi Laura)