Advertisers
Isa si Colonel Allen Rae Co sa mga naging masipag na kaagapay ni Baguio City Mayor Benjie Magalong sa kasagsagan ng pandemya para lubos na mapangalagaan ang kaligtasan at kalusugan ng mga mamamayan ng nasabing siyudad.
Noong kailangan isarado ang lahat ng boarders ng Baguio City papasok at papalabas ng lungsod para makontrol ang pagkalat ng Covid-19 virus, pinangunahan ni Col. Co at ng kanyang mga tauhan ang pagbabantay sa mga inilatag na checkpoints at masigurong lahat ng health at safety protocols ay masusunod.
Sa may ilang buwang pagsasailalim sa City of Pines sa strict protocol status, ekonomiya ng siyudad at hanapbuhay ng mamamayan ang naging apektado lalo na ang sektor ng turismo na pinakakaasahan ng maraming negosyante at stakeholders.
Di birong sakripisyo ang dinanas ng mga tauhan ni Col. Co sa mahigpit na pagpapatupad ng pagbabawal sa mga unauthorized travel kung saan marami sa nga mamamayan ng Baguio ang hirap itong sundin at unawain.
Kadalasan ayon pa sa mamang koronel, ito ang pinag-uugatan ng pagtatalo.
Pero sa kabila nito, inutusan ni Co ang kanyang mga tauhan to impose maximum tolerance at lawakan ang kanilang pang unawa at pasensiya sa mamamayan na lubhang naperwisyo ng umiiral na pandemic protocols.
Inatasan din ni Col. Co ang buong kapulisan ng Baguio na magbigay ng libreng sakay sa mga health and other essential workers na nagtutungo sa kanilang mga trabaho.
Tagubilin din ni Co sa kanyang mga tauhan na maging laging handa na magkaloob ng assistance sa mga matatanda, kababaihan, mga buntis na lumalabas ng kanilang mga tahanan para bumili ng kanilang essential needs o magpagamot dahil sa kanilang mga karamdaman.
In short inihanda na ni Col. Co ang mindset ng kanyang kapulisan na i-program ito sa help help help and serve serve serve mode bilang mga modern day heroes na walang bantayog o monumento.
Kabilang si Co sa kanyang mga tauhan na di na halos nakakauwi ng kanilang tahanan sa kasagsagan ng mahigpit na quarantine status ng bansa kung saan nabibilang ang lungsod ng Baguio.
Hindi lamang sa pagbabantay ng nga checkpoints naging punong abala ang command ni Col. Co kundi sa distribution ng lahat ng ayuda sa mamamayan na nagmumula sa local and national government.
Mula sa mahigpit na pagbabantay sa mga boarders ng Baguio City, naging abala rin si Co at kanyang mga tauhan sa pagsasagawa ng routine patrol sa mga barangays ng siyudad sa pag monitor sa mga posibleng apektado o kinapitan ng salot na virus.
Ang kapulisan din kaagapay ang mga health workers ng Baguio at barangay officials ang naghahatid sa mga dinapuan ng Covid-19 sa mga ospital at quarantine facilities.
To top it all, naging kaagapay din ng mabunying alkalde ng Baguio, Mayor Magalong ang kapulisan ng Baguio sa pamosong contact tracing na naging daan para ganap na ma-contain sa lungsod ang bagsik ng Covid-19.
To this point,napatunayan ni Col. Co at ng kanyang kapulisan na lagi silanh handa sa lahat ng panahon, may pandemya man o wala na magserbisyo sa mamamayang 100 percent on a 24/7 basis.
Sa mga magagandang ehemplong ipinakita ni Col. Co sa kanyang mga tauhan at sa kakaibang dedikasyon at kasipagan, pinatunayan nitong ang people of Baguio are truly in safe hands.
Mabuhay ka Col.Co and your men!
Keep up the great work sir.
BELATED HAPPY BIRTHDAY & MERRY CHRISTMAS & HAPPY NEW YEAR IN ADVANCE!
***
PARA SA INYONG KOMENTO,REAKSYON AT SUHESTIYON,MAGTEXT O TUMAWAG LAMANG SA CP NO.0917-823-9628 O MAG-EMAIL LAMANG PO SA mhelbaraquiel1027@gmail.com