Advertisers
TINAPOS ang karera na isang kampeon ng estudyanteng magtatapos ng Bachelor of Science in Physical Education ang male division ng The National MILO Marathon Manila Leg 21k kahapon sa paradahan ng Mall of Asia sa Pasay City.
Ang 23-anyos na Ilonggo pride mula La Castellana, Negros Occidental na si Ritchie Estampador ay binagtas ang patag na ruta kakaripasan ang mga malakas na katunggali hanggang makuha ang lead pack sa kalagitnaan ng takbuhan at di na lumingon pa hanggang pagtawid ng meta para sa korona.
“Hindi ko po inaasahan na mananalo ako ngayon dahil sa lakas ng mga kalaban.Nagbunga ang aking training araw-araw kaya kahit kulang ako sa tulog ay nakayanan ko ang hamon”, wika ni Estampador na dumating sa venue ng karera alas-diyes ng gabi dahil napagsarahan ng ng kanyang boarding house, ilang oras lang bago pumutok ang starting gun ng footrace na nilahukan ng mga competetive, fun and fitness runners, magpapamilya, magkakaklase, magkakatropa pati na mga persons with disabilities ay na-welcome sa special side event ng kaganapang bukas para sa lahat ng run enthusiasts.
Ibinulsa ng binatang Mapua University graduating student ang top prize money na kanyang ilalaan sa pamilya at panggastos na rin sa nalalabing bayarin sa kanyang pag- aaral.
“ Ikalawang panalo ko na ito sa MILO.Runner-up last year , ngayon ay leg champion kaya wish ko ding maging hari sa national finals sa Disyembre.Libre naman pong mangarap”, sambit pa niya.
Sa distaff, pinagreynahan ng beteranang long distance runner na si Maricar Camacho ang naturang qualifying event ng MILO kung saan ay handog niya ang napanalunang premyong salapi sa kanyang mga musmos pang mga supling.
“Target ko pa rin ang national finals sa December kaya paghahadaan ko nang husto”, pahayag ng 37 -anyos na laging laman ng kalsada tuwing may timpalak ng karipasan.
Samantala, di man nagwagi ay proud na rin ang dalawang kalahok na tumapos ng karerang kabilang sa Persons with Disabilities(PwD’s) division lalo’t hawak nila ang kanilang certificate na finisher ng short race laan para sa mga kumaripas na may kapansanan.
“Di man po nagwagi ay masaya na kami dahil ang makasali lang sa prestigious na MILO ay always panalo!”, pahayag sa pamamagitan ng sign language nina Kdrew Samson at Mhigz Medrano, kapwa estudyante ng Philippine Deaf College Pasay sa interpretasyon ni guro Aliya Reese Fernando.” Di man po namin naririnig ang hiyawan, tambol, musika at pag-anunsiyo ng panalo ay nakikita naman namin ang saya sa mukha, walang bakas ng pagod ang mga lumahok dito sa National MILO Marathon kabilang na po kami”, anila habang wagayway ang kanilang finishers’ certificate.
Ang National MILO Marathon na binubuo ng 25 yugto sa mga lungsod at bayan ng Pilipinas ngayong 2025 ay may temang hatid sa lahat ng entusyastiko ni MILO Head of Sports Carlo Sampan.”MILO remains steadfast in it’s mission to make sports accessible, inclusive and impactful through The National Milo Marathon. We are also empowering children nationwide to dream bigger, aim higher and achieve more” aniya. (Danny Simon)