Advertisers
Lugmok at tila may utang ang sinapit ng sundalong senador na si Antonio Trillanes sa resulta ng survey na inilabas ng Social Weather Station na ginawa sa Caloocan nitong Pebrero.
***
Ang siste, hindi na nga tumaas sa survey ay parang may utang pa ito sa nakuha nitong score na negative 22! Eh mukhang itong si Trillanes ang magiging local version ng Team Sinusuka sa Caloocan.
***
Mukhang hindi pa opisyal na nagsisimula ang kampanya ay pababa pa nang pababa ang rating nitong si Trillanes! Kung ganito nang ganito ang direksyon ng trust rating sa Caloocan eh hindi na kailangan mangampanya ng Mayor ng Caloocan na si Along Malapitan dahil mukhang sya na ang muling uupong alkalde ng Kankaloo!
***
Ayon pa sa mga kaibigan nating miron dyan sa Kankaloo, wala na raw tumatanggap sa hamon ng mga pusta na Trillanes vs Along dahil parang pinamigay mo lang ang pera mo kung kay Trillanes ang taya mo!
***
Ang kwento pa, mukhang full-force na rin ang paninira kay Along dahil hindi ito magiba ng mga kalaban lalo na ngayong sa parehong survey ay plus 75 ang nakuha ng tinaguriang Batang Kankaloo!
***
Aba eh hindi naman din ito mahirap paniwalaan dahil kilalang survey firm ang SWS at marami ang nagtitiwala sa mga resulta na inilalabas nito kaya naman tiyak na walang hokus pokus at hindi surbey-surbeyan lang yan, mga kapatid!
***
Batay sa survey eh mas gusto ng Kankaloo itong si Along dahil tinupad nito ang pangako nya noong nangangampanya sya bilang alkalde. Totoo ba yan, Kankaloo?
***
Ilang linggo na lang at magsisimula na ang opisyal na kampanya sa lokal…ngunit mukhang niligwak na agad ng Kankaloo si Trillanes!
***
Aba eh, dapat mag-isip-isip na itong si Trillanes at ang mga nais tumaya sa kanya..aba’y mukhang diretso sa kangkungan ang ending nila sa laban nila ni Along.