Advertisers
Ni Beth Gelena
NABIGLA si Gladys Reyes nang sabihin ni Ryan Bang, kung sino ang pinagseselosan ng fiancee niyang si Paola Huyong.
Guest ni Gladys ang Korean actor- TV host, kamakailan.
Nakuwento ni Ryan na may pinagseselosang aktres ang girlfriend na si Paola.
Natanong ng aktres ang mga kasamahan niya sa It’s Showtime
While talking about the hosts of It’s Showtime, Gladys asked Ryan about singer-songwriter, Ogie Alcasid, na siyang close kay Ryan.
“Isa siya sa pinaka ka-close ko ngayon. Tsaka first time na nagselos si Paola dahil kay Kuya Ogie,” ani Ryan.
“Bakit! Ano yun? Hindi ko alam yun!” tanong pa ni Gladys.
“Bukambibig ko raw si Kuya Ogie. Usually diba, nagseselos yung mga babae sa babae? Siya, nagselos siya kay Kuya Ogie kasi sabi ko, ‘Alam mo, si Kuya Ogie, pag-swing niya napaka-séxy.’ Magkasama kami lagi sa golf. So sobrang galing ni Kuya Ogie mag-golf kaya naging idol ko siya.”
Pagbubulgar pa ni Ryan, “First time ako nag-champion sa Golf Tournament sa ABS-CBN Golf Tournament eh dahil kay Kuya Ogie.”
“In love na in love ako kasi ang galing niya mag-golf! Muntik na kami maghiwalay ni Paola dahil kay Kuya Ogie Alcasid.”
Kaya sabi ng aktres, “Nako ah, sa mga di nakakaalam, imagine mo, hindi ibang babae ang pinagawayan nila.”
***
DANI HININGAN AGAD NG ANAK SINA MICHELLE AT ALDO
NAGBIGAY ng sweet message si Dani Barretto para sa newlyweds na sina Michele Gumabao at Aldo Panlilio.
Brother-in-law ni Dani si Aldo na kapatid ng mister niyang si Xavi.
Ikinasal sina Aldo at Michelle last Tuesday, February 25 sa National Shrine of the Sacred Heart sa Makati.
Sa Instagram ni Dani, binahagi niya ang ilang clip at photos ng wedding ceremony.
Ani Dani sa caption, “Congratulations @aldopanlilio12 & @gumabaomichele!!!”
Pahabol pa niya, “PS. bigyan niyo na ng pinsan sina Millie & Riley please.”
***
ROBI DUMULOG SA NBI NANG BANTAAN NG NETIZEN
AGAD na dumulog sa NBI si Robi Domingo nang makatanggap ng banta mula sa isang netizen.
Agad siyang nagtanong kung maaari niyang isaalang-alang bilang isang banta ang natanggap niyang komento at kung may legal na aksyon siyang maaaring gawin.
Maraming netizens ang nagpahayag ng kanilang opinyon, kung saan may ilan ang sumang-ayon na dapat niyang ituloy ang pagsasampa ng reklamo.
Sa kanyang Instagram post, nag-iwan siya ng mensahe na, “Remember, every action has consequences, whether online or offline. Let’s be kind and take responsibility.”